Chapter 41. "Identity revealed"
Lee Yu-jun's POV
Bumalik na akong muli sa larawan. Pagbalik ko ay tiningnan ko ang labas ng larawan ngunit pagtingin ko sa labas ay nagulat ako sa aking nakita.
"Welcome back, Yu-jun." sabi ni Arkin sa harap ng larawan habang nakangiti.
"Suk-jeong." mariin kong banggit sa pangalan niya habang nanlilisik ang aking mga mata na nakatingin sa kanya.
"Tama nga ako ng hinala. Si Soo-hyun ba ang gumawa nito mahal na prinsipe?" nakangisi niyang tanong. "Kaya ba hindi ka mahanap ng mga tauhan at inutusan kong kitilin ka dahil nandyan ka pala sa larawan nagtatago!" malakas niyang sigaw.
Humagalpak siya ng tawa. "Mabuti na lamang at nawakasan ko na ang buhay ng babaeng 'yon noon." aniya at lumapit sa aking larawan. "Alam mo kamahalan, dapat kasi hindi mo iniligtas ang salamangkerang iyon noong paparusahan siya ng kamatayan. Hindi na sana ikaw mahihirapan pa at makulong sa larawan na ito ng matagal na panahon."
"Hangal ka, Suk-jeong! Taksil ka!" sigaw ko mula sa loob ng larawan at mariing hinawakan ang espadang hawak ko.
Bigla namang tumunog ang telepono niya at agad niyang kinuha ito at sinagot.
"Aira, what now?" bungad niya sa tumatawag.
"May problema kuya, bigla na lang umalis si Elyse dala lahat ng gamit niya, hindi ko rin mahanap si Yu-jun and the security said na mag-isa lang na umalis si Elyse!" sabi ng isang pamilyar na boses sa telepono. Iyong babaeng linta na dikit nang dikit sa akin sa bakasyunan.
"What? Where did she go?" galit na sigaw niya at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa akin.
"Si Elyse!" sigaw ko naman mula sa loob ng larawan.
"Mukhang babalik na siya dyan sa Manila." sagot ni Aira ngunit pinatay na si Arkin ang tawag at nanggagalaiting tumingin sa akin.
"She is coming now for you." aniya at tiningnan ako ng masama at napangisi.
Kinuha niya ulit ang telepono niya at may tinawagan.
"Do it now." sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngunit batid kong hindi maganda ang mga balak niya. At may masamang mangyayari kay Elyse. Malakas kong kinalabog ang harang ng salamin. Kailangan kong makalabas! Kailangan kong protektahan si Elyse!
Bigla namang umalis si Arkin sa harap ng larawan at lumabas ng silid na ito. Maya-maya pa ay bumalik siyang muli at humarap sa aking larawan hawak ang kanyang espada. Nakangisi habang nakatingin ng masama sa akin.
"Katapusan mo na mahal na prinsipe." aniya at saka sumugod sa aking larawan. Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan habang kita ko papalapit na espada ni Arkin sa aking larawan. Tila bumalik sa ala-ala ko ang pangyayari noong tanyaing wakasan ni Suk-jeong ang aking buhay.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.