Chapter 27. "Fear, Jealousy and Hesitation"

2.6K 159 14
                                    

Chapter 27

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27. "Fear, Jealousy and Hesitation"

Elyse' POV

            Naging maayos at matagumpay ang naging start ng foundation week noong isang araw at kahapon. Wednesday ngayon at ngayon gagawin ang swim wear attire competition at talent show naman mamayang hapon. Naglalakad na kami ni Yu-jun para pumunta sa booth namin. Kahapon ko pa siya hindi kinakausap gaano. Hindi ko alam kung bakit din ganito ang pakikitungo ko sa kanya. Basta! Naiinis ako.

            "Elyse, para ka namang kabayo sa bilis mong maglakad." sabi niya habang nakasunod sa akin. Kung hindi niya ako tatawaging patabaing baboy ngayon naman ay kabayo? Mukhang mas mabuti pa ang tawag niya kay Venice na salbaheng binibini ah!

            Nilingon ko siya at masamang tiningnan. "Bilisan mo kaya ang lakad mo, wala ka sa parada." bulyaw ko at inirapan siya. Narinig ko naman ang ngisi niya kaya tiningnan ko siya ulit.

            "Bakit ba ganyan ang ipinapakita mong pag-asal sa akin? Galit ka ba? At kung galit ka sa akin ano ba ang ginawa kong kasalanan?" natatawa niyang sabi sa akin na parang nang-aasar pa.

            "Bahala ka nga diyan sa buhay mo!" malakas kong sigaw sa kanya at padabog siyang tinalikuran. Maglalakad na sana ako nang magsalita siya.

            "Naging ganyan din ang inaasal mo noong hinalikan ako ng salbaheng babae tapos ngayon ganyan ka na naman noong hinalikan niya ako noong isang araw sa pisngi. Dahil ba sa halik na yon kaya ka nagagalit sa akin, Elyse?" Hindi ko muna siya hinarap at malalim na huminga. Anong bang pinagsasabi ng lolong prinsipe na 'to? At bakit ko naman gagawing big deal ang kiss na 'yon ni Venice?

            Hinarap ko siya at seryosong tiningnan. Seryoso din ang tingin niya sa akin. Narito kami sa hallway ngayon at may mga students din na naglalakad pero habang nakatingin ako sa kanya ay pakiramdam ko, kami lang ang tao sa hallway na ito.

            "Hindi ako galit. Pagod lang ako." sagot ko sa kanya.

            "Nagagalit ka ba dahil sa halik na iyon?" tanong niya ulit. Sinabi na ngang hindi ako galit e. Hindi na ako nagsalita at napaiwas na lang ng tingin sa kanya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa ulo. He patted my head slowly. Napatingin ako sa kanya and he is smiling at me. "Ano bang saysay ng mga halik na iyon kung wala namang pagmamahal." sabi niya at malapad na ngumiti sa akin. With that words, humupa ang kung anong selos na nararamdaman ko sa akin dibdib. Napangiti rin ako habang nakatingin sa kanya.

            "Oo na, hindi na ako galit." sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. This guy, he knows how to calm my heart.

            Hinanap ko na si Emerald para samahan ako sa paghahanda para sa swim wear competition mamaya. Ang sabi ng director namin sa pageant ay gaganapin daw ito mamaya sa may swimming. Naglagay daw sila ng ramp stage bridge sa gitna ng pool kung saan kami mamaya rarampa.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon