Chapter 22. "The traitor of the past"

3.1K 204 13
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 22. "The traitor of the past"

Elyse' POV

            Pagbaba ko mula sa rooftop pauwi sa unit ko ay nagulat ako nang makita ko si Arkin sa tapat ng pinto ng bahay ko. Lumapit ako sa kanya at nabigla siya nang makita ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang nag-aalala ang kanyang mukha at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

            "I heard what happened in the gymnasium? Are you alright?" He said in his worried tone. Ngumiti lang ako at tumango-tango. I saw him took a deep sighs and smiled back at me. "Good to hear that, I'm sorry for not being there to save you, Elyse." Malungkot na sabi niya.

            "No, it's fine. I'm fine." I said waving my hand to him. But I am still seeing the guilt and worried in his face. "Nasaan ka ba kanina? Kahapon wala ka rin sa rehearsals?" pag-iiba ko ng topic at saka binuksan ang pinto ko.

            "I was at the court for my training. May game kasi kami this weekend. But don't worry that will be the last, and next week I'll attend the rehearsals." Nakangiting sagot niya. I nodded when I heard his answer.

            "Sige, Arkin see you tomorrow." Paalam ko sa kanya at akmang papasok na sa bahay ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na kinabigla ko. Tiningnan ko siya at nakita ko ang seryoso niyang mukha.

            "Elyse, sino ba si Yu-jun sayo?" nabigla at nagtaka ako sa tanong niya. Natahimik ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Matagal kaming nagkatitigan at kita ko ang seryoso niyang mukha habang hinihintay ang isasagot ko sa tanong niya.

            "He's my assistant. That's all." Sagot ko at patay-malisyang ngumiti sa kanya. Pero kasabay noon ay ang pag-iisip ko. Sino nga ba sa akin si Yu-jun? He is a lost prince from some years in the past in Korea and a prison in that painting who walks a night and now changed to day. 'Yon lang naman di ba?

            Binitawan ni Arkin ang kamay ko at ngumiti muli sa akin. "I see." Maikling niyang sagot at saka na tumalikod sa akin pabalik sa kanyang unit. Sinundan ko pa ng tingin si Arkin papasok ng unit niya. Pagpasok niya ay napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon