Chapter 8. "Prince in Shining Armor"
Elyse' POV
Habang nasa biyahe kami para akong may kasamang batang bagong silang sa mundo. Panay ang silip at dungaw niya sa bintana ng taxi. Napapapikit na lamang ako dahil hiya at inis sa kanya. Nakita ko namang panay ang tingin ni Manong Driver sa kanya at saway na huwag ilabas ang ulo niya sa bintana ng taxi.
"Saang probinsya ba galing 'yang nobyo mo hija." Halata ang pagkadismaya sa boses ni Manong.
"Pasensya na po—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. "Hindi ko po siya boyfriend." Sabi ko kay Manong. Tumawa lang si Manong at umiling-iling.
Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking katabi ko na parang kiti-kiti sa likot. "Umayos ka nga." Inis kong sabi sa kanya pero ang lalaking 'to ay tiningnan lang ako at masaya pang nakangiti halatang sabik na sabik at mangha sa mga nakikita niya. "Umayos ka ng upo at pag-usapan natin ang gagawin nating paghahanap kay Elizabeth." Pagkasabi ko non ay naging seryoso siya at tutok sa akin.
Pinagpaplanuhan namin ang gagawin naming paghahanap kay Elizabeth. At kapag may oras pa mamaya at susubukan naming maghanap ng impormasyon tungkol kay Elizabeth. Ang alam kong sabi niya, isa siyang artists o painter bukod doon wala na siyang nasabi pa.
"Elyse, paano mo ba ako nakuha?" tanong niya.
"Correction, hindi kita kinuha. Iniwan ka lang sa akin." Pagtatama ko sa kanya.
"Si Elizabeth? Iniwan niya ako? Bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Siguro dahil sa katakawan mo." Pang-aasar ko sa kanya. Napangisi lang siya at mukhang napikon sa sinabi ko. "Ang naaalala ko isang babae nga ang nakausap ko noong araw na 'yon sa museum. Maganda siya, maputi na parang maputla ang kanyang balat at malambing ang kanyang boses." Kwento ko sa kanya.
"Si Elizabeth nga 'yon!" Kumpirma niya. "Pero bakit naman niya ako iniwan. At kung nasa painting ako, bakit hindi ko man lang nakita o naramdaman na iniwan niya ako."
"Baka tulog ka. Natutulog ka ba sa painting?" tanong ko. Tumango-tango naman siya. I shrugged. Nasapo naman niya ang noo niya. "Baka nga nakatulog ako non."
"Pwede naman nating tanungin kung madalas pumunta si Elizabeth sa museum, baka sakaling may nakakaalam ng address niya." Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon.
Pagdating namin sa address na binigay ng client ko. Nabigla ako na isa pala itong high end bad. Pumasok na kami sa loob ng bar at bumungad agad sa akin ang malakas na tugtug ng sayaw at madilim na paligid habang may patay-sinding mga ilaw. Hindi naman ganoon karami ang tao sa loob. Hinanap ko ang contact ko sa loob at doon ko siya nakita na nakaupo sa bar stool. Nakasunod naman sa akin si Yu-jun na bitbit ang ilang gamit ko.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.