Chapter 39. "All with you"

2.1K 119 9
                                    

Chapter 39

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 39. "All with you"

Elyse' POV

I don't understand him. And I don't understand myself either.

Malalim akong napabuntong-hininga habang nakatulala dito sa beach. Yu-jun was in the office now doing his work while I am here in the beach, assisting the guests. This is our fifth day in this resort. And after what happened that day, everything turned so awkward between us. Mabuti na lamang at ilang araw na ring hindi bumabalik si Yu-jun sa painting. Pero ilang araw na rin kaming hindi gaanong nag-uusap.

"Mahal mo na ba ako?"

Malinaw kong narinig ang tanong niya na nag-e-echo sa utak ko. Hindi ako nakasagot agad sa kanya at natulala lang sa mukha niyang seryosong nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko.

Dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na parang may nakakulong na mabangis na hayop at naghuhumirintadong kumawala sa kulungan.

Marahan kong iniwas ang tingin ko sa kanya at natawa ng mahina.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" natatawa pero may kirot sa aking dibdib kong tanong.

"Gusto ko lang malaman, Elyse." sagot niya. Muli ko siyang tiningnan. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at seryoso rin siyang tiningnan.

"Kung ang isasagot ko ba ay 'oo', may magiging problema ba?" mabilis kong sabi kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Kita ko kung paano nalungkot at nadismaya ang mukha niya.

Matagal siyang natahimik at iniwas ang tingin sa akin habang ako ay hindi mapakali na naghihintay ng sagot niya.

"Hindi mo ako maaaring mahalin." sagot niya na kinabigla ko.

"Bakit, Yu-jun?" tanong ko.

Muli ay natahimik siya at malalim na napabuntong-hininga.

"Natatakot ako, Elyse." sagot niya. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anong natatakot? Nakakatakot ba ako? Oo noong una palagi tayong nagtatalo at nag-aaway pero hindi ba--" hindi na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking labi.

Namimilog ang aking mata sa pagkabigla dahil sa ginawa niya. Ilang sandali pa ay humiwalay siya sa akin at tiningnan ako. Kita ko pa rin ang malungkot niyang mukha.

"Natatakot akong maiwang mag-isa ulit. At natatakot din akong maiwan kita." sagot niya na hindi ko pa rin maintindihan.

Hindi na ako nagsalita at tiningnan lang siya. Mapait siyang napangiti sa akin.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon