Prologue

513 11 0
                                    

      It's my birthday. And I'm here at a cozy restaurant waiting for my boyfriend, or so i thought he is....

      He invited me here kasi nga birthday ko. He said he wanted to tell me an important thing. A surprise maybe. Haizt. Mamamatay na nga ako sa excitement kakaisip kung ano nga ba yung sasabihin niya. Siguro naman good news yun kasi nga birthday ko.. ayan paulit-ulit na ko.

     Nakatanaw lang ako sa may entrance ng restaurant. Malamang kasi dun siya papasok. Masaya ako ngayon kaya kahit 1 hour na kong nag-iintay dito carry ko pa ring mag-intay sa kanya. Besides siya naman ang nagprepare ng lunch date na ito. I should be grateful kahit pa pinag-iintay niya ako.

      Then he came... Pero teka... She's with.....

       "Merian?" Yun lang nasabi ko nung makalapit na sila sa pwesto ko. I thought it's a lunch date for two? Eh bakit???

      "Remember what i told you when I invited you to meet me up here?" Nagtataka pa din ako nun kaya nakatingin lang ako sa kanya. "This is Merian-----"

   "I know who she is but what the-----"

     "..My girlfriend"

    Woah.. I wasn't ready for that one!

    "You're kidding right?"

    "Sorry but I'm not. Yung sa'tin? That was never true. It's just for a bet I made with my friends. I'm sorry but it's Merian I love, not you."

    I was speechless. Hirap na hirap ata yung utak ko na i-absorb yung mga sinabi niya. Few words lang yung tumatak sa utak ko. "Never true", "bet" and "Merian".

    "Napakagandang pa-birthday naman nito..." Dinampot ko yung iced tea na kanina ko pa iniinom. "you let me wait for you for an hour and this is what you're gonna tell me? Na umasa ako sa wala?"Buti na lang talaga hawak ko yung glass ng iced tea baka kasi kung anong magawa ko sa kanila kung di busy ang mga kamay ko.

     "I never told you na tayo na diba? Besides I never courted you. Pinaasa mo lang ang sarili mo"

    What?!! So kasalanan ko pa pala yun. Nag-init na talaga ang ulo ko. Tama na ang pagpapaka mabuting nilalang....

     "Ah ganun ba?" Binuhos ko lahat ng natitirang laman ng iced tea ko sa ulo niya."Pagkatapos kong mag-intay dito ng matagal at halos tubuan na ko ng ugat dito kasalanan ko pa pala lahat ng 'to?

    "What the----" 

    "You deserve it! And thanks for the surprise!"

     Pagkatapos nun umalis na ako. Bakit pa ko magtatagal sa lugar na yun. sirang-sira na ang birthday ko. And one thing I've learned with this, I'll never fall for a popular guy again.. Never,,,   

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon