Chapter 10

186 8 0
                                    

(minsan lang ‘to)

[Kei’s POV]

                “Si Leigh?” tanong ko sa mga kasamahan ko pagdating ko sa studio namin.

                “Hindi mo ba kasama?”

                “Nakikita niyo ba siyang kasama ko?!”

                “Hindi.”

                Nalate lang ako sa pagsundo sa kanya hindi naman siya dumating. Kung hindi lang ako inutusan ng isa naming teacher na maghatid ng letter sa guidance at magpapirma ng kung anu man yun sa mga teachers eh napuntahan ko sana agad siya. Akala ko pa naman okay na sa kanya na pumalit sa akin. Pumunta naman siya nung wala ako diba? Inintay namin siya ng mga ilang oras pa baka sakaling dumating siya.

                Tinawagan ko na siya sa phone niya. Ang kaso nakaka sampung ring na wala pa rin. Di pa rin niya sinagot hanggang sa “the number you dialed is now unattended. Please try again later.” na lang ang narinig ko sa kabilang linya. Baka naman umuwi na? sabagay gabi naman na kasi nung inuwi ko siya sa kanila kahapon. Baka nga hindi pumasok. baka nga. Pinagsimula ko na ang bandmates ko. Bukas na lang siguro siya magpapractice ulit. Pero hindi ako mapakali. Bakit kaya  

Nung makatapos na kami, hindi pa rin ako mapakali kaya…

                “Una na kayo."

                “Bakit? San pa punta mo?”

                “Hayaan niyo na siya.” bumaling sa akin si Dray. “puntahan mo sa room. Hindi ko napansin na lumabas siya ng campus.” Napapansin din pala niya na hindi ako mapakali kanina pa. at kaya pala kanina pa siya nakatingin sa bintana kahit nung nagpapractice since siya ang pinakamalapit.

                Tumakbo na ako nun sa room nila kaso pagdating ko dun wala naman ng tao. What do you expect? 4 hours nang tapos ang mga klase. Ang nandun na lang eh isang bag. Teka… bag niya ‘to ah. Parang bigla akong kinabahan. Bakit kaya?

                D-in-ial ko yung number ng kaibigan niyang si Lacey. Oo may contact ako ng bestfriend niyang yun. Sa kanya ko rin nakuha ang number ni Leigh.

                “Oh bakit Kei?”

                “Asan si Leigh?”

                “Ha? hindi ba kasama niyo?”

                “Itatanong ko pa ba sa’yo ‘to kung kasama ko?” hindi ko na maiwasang magsungit. Iba na kasi ang pakiramdam ko. Parang may mali sa lahat eh.

                “Hindi ko siya kasabay kanina eh. May pupuntahan pa kasi ako kaya nauna na ako. At saka ang alam ko kasi may practice pa kayo.”

                “Meron nga kaya hinahanap ko siya ngayon.”

                “Ha? eh san naman kaya pumunta yun?”

                “Hindi ko alam. But her bag’s here.”

                “Ano? Eh di andyan pa yun sa school. Ang huling paalam niya sa akin sa CR ang punta niya eh. Kaso imposible namang andun pa siya ngayon. 4 hrs na kaya ang nakalipas.”

                “Sige bye.”

                Binaba ko na yung tawag. CR? 4 hrs na daw ang nakalipas nung pumunta siya dun. Pero kailangan ko pa ring pumunta dun. At least kahit papano may mapupuntahan ako. Magbabakasakali lang na andun siya. And safe.

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon