Chapter 8

184 11 0
                                    

Wala ako sa mood na mag-practice ngayon. Ewan ko ba pero feeling ko affected pa rin ako ng sinabi ni Merian kanina. Bakit nga ba? Could I possibly like Kei? Kahit papano? Waaah!! Gagawa na naman ba ako ng bagay na ikasasakit ng loob ko pag nagkataon?

                Naglalakad na ko nun palabas ng grounds habang nag-iisip. Mabuti na lang hindi ako napapatid oh kung ano man sa lalim ng iniisip ko. Nagulat nga ko nung may biglang humawak sa braso ko eh.

                “ayos ka lang ba ha?”

                “Ha?” hindi nga ata ako ayos. Ang tagal kasi mag-process ng utak ko eh. Natagalan bago ko nakilala si Jake. “Oh jake! Andyan ka pala.”

                “Kanina pa kaya. At kanina pa kita tinatawag.”

                “Ay sorry ah.” Ang tanga mo Leigh! Magkape ka nga.

                “Ang lalim ata ng iniisip mo eh.”

                “Ah eh… slight lang naman.”

                “Tara na!” tapos hinila na niya ko sa braso ko na kanina pa niya hawak.

                “Ha? san ang punta natin?”

                “Sa studio, san pa ba?”

                “Ha? hindi ako magpa-practice ngayon eh.”

                “Hindi pwede, sinabi ni boss Kei eh.”

                “Wala naman siya ah.”

                “Kahit na. kailangan mo pa rin daw magpractice.”

                “Wag mo na lang sabihin na di ako nagpractice.”

                “May camera sa studio namin. Kapag di niya nakita na nagpractice ka sa mga cctv records patay kami. Lalo na ako. Kaya maawa ka sa kaluluwa ko, tara na.”

                That was so Kei. *sigh* Kei almighty.

* * *

                “San ba kasi nagpunta yung si Kei? Tayo required na pumunta dito siya hindi?”

                Panay na ang reklamo ko noh? Nakakagalit sa mundo kapag napipilitan kang pumunta kahit wala ka sa mood.

                “Malay din namin. Saka kung ako sayo sa kanya ka magreklamo ng ganyan kung may lakas ka ng loob. Nangangain ng buhay yun eh.”

                “O.A. naman kayo. Anu daw bang pa-practice-in natin?”

                “Yung last song na pinakanta sa’yo ni Kei. Pa-practice-in na daw with the instruments.”

                “Tara start na tayo.”

                Pumuwesto na sila sa tapat ng mga instrument nila ako naman pinapwesto nila sa may mic stand sa harap malamang ng microphone.

                “Oh…” Inabot ni Jake sa akin yung electric guitar. Waaah! Kailangan na bang gamitin ko na ‘to?

                “Hindi ko pa gamay ‘to eh.”

                “Ayos lang yan. Para masanay ka na. Wala naman yung magagalit kapag nagkamali ka eh.” Tapos nagsmile siya sa akin.

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon