Ikinuwento nila sa akin yung buong storya na ikinuwento lang din daw ni Dray. Pagkatapos daw ng pangyayaring yun eh nagtransfer na ng school si Ian at lumipat din ng tirahan. Dun na din binuo ni Kei ang banda. At nalaman na lang din nila na may banda na rin si Ian nung nagkita sila sa isang competition. And that started the rivalry. Bakit kaya hindi ko nabalitaan yung tungkol sa kanila ni Kylie? Malamang hindi pa lang kasi ako interesado nun.
Pagkatapos ikuwento sa akin nina Melvin ang version nila ng kwento ng pangyayaring yun sa buhay ni Kei eh natahimik na lang ako.
Bumalik naman si Kei maya-maya at nag-aya na ring umuwi. Sinabay na niya ako pauwi sakay nung sasakyan at tahimik lang kami nun. Siya sa labas nakatingin. Ako naman sa kanya nakatingin.
“Uh… Kei…” sorry! Hindi ko na natiis ang katahimikan ng mundo eh.
Nilingon lang niya ako.
“Uhm… sorry.”
Kumunot yung noo niya.
“Para san?”
“Kasi…Kasi alam ko na yung nangyari senyo ni Ian… at ni Kylie”
Hinintay kong sakmalin niya ako. O.A?
“Ganun ba? Ang dalawang siraulo talagang yun.”
Mukhang hindi naman siya galit. Asan na yung iniintay kong dilubyo???
“Hindi mu ba ko kakagatin?”
“Tingin mo sakin? Aso?” nakakunot-noong tanong niya. Maya-maya naman naging smooth na ulit yung noo niya at tumingin na ulit sa malayo. “Kylie is the first girl I ever liked.”
“Mukha nga eh. Major heartbreak mo din siya noh?”
“Yeah… sort of” hindi niya ako tinitignan nun pero ayos lang. At least he’s talking to me. “Sa totoo lang kasalanan ko din naman kung bakit ako nasaktan. Ang hindi ko lang matanggap eh yung babaeng pinapangarap ko noon eh binasura lang ng iba”
“Taray! Parang kanta lang. pero mali yung lyrics. Dapat diba ‘binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko’ sabi ni Chito Miranda??”
Binatukan niya ako pero mahina lang naman.
“Bat nakabatok ka na naman ha?”
“Wala… trip ko lang.”
Then he smiled. Sige payag na akong pagtripan mo ko ng paulit-ulit basta ba smile ka lang lagi eh!
“Do you still like her?”
“I don’t know… maybe.”
Ouch! Tanong ka kasi ng tanong eh di ka pa naman ready sa mga isasagot niya!
“Bakit hindi mo siya sundan dun? Mayaman ka naman ah.” Tama ba ang pinagsasabi mo Carleigh? Inuudyukan mo pa silang magsama ng past niya eh pinapangarap mo ngang maging present niya. Diba ‘binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko’ ni Chito Miranda din naman ang drama mo ngayong nalaman mo yan?
