Boyfriend?!
“You’re kidding right? ‘Cause you can’t possibly like her.” Hindi napigilang sabi ni Merian. “I-I mean she’s a nerd!!”
“But she is my girlfriend... What’s wrong with that?” tapos nun lumingon siya sa akin. “You are my girlfriend right?”
Hala! Tanungin daw ba ko?
“ahm no?” anu ba yan. Parang di pa ko sure sa sagot ko ah.
“Ahh ganun ba? Hindi pa ba? I’ll be courting you then.”
Hala! Adik ata ‘to eh. Galing pa namang umarte. Kala mo seryoso talaga siya sa mga pinagsasabi niya. At ayos lang sa kanya kahit sinabi ko na yung totoo. Ang weird naman talaga oh!
“okay lang naman sa’yo diba?” hindi ako sumagot. Or rather hindi lang talaga ako makasagot. Kasi naman eh. Ano ba ang iniisip nitong lalaking ‘to at kung anu-ano ang pinagsasabi. “Sabagay wala ka namang choice eh. You can’t possibly stop me, can you?”
“You can’t be serious Kei. You can’t like her!”
“Why not?” cool na cool pa yung pagkakasabi niya nun.
“uh!” maarteng sabi ni Merian sabay walk out.
Nung kami na lang ni Kei ang nandon saka ko na siya tinanong.
“Why’d you say that?”
“What?”
Painosente pa talaga. Naku naman!!
“That!”
“What that?”
“That you’ll be courting me.” Kailangan ba talagang i-elaborate pa yan?
“Oh that? Mukha kasing inaapi ka na eh so I rescued you. Hindi mo ba kayang mag-thank you na lang?”
“Thank you sa sinasabi mong pag-re-rescue mo sa akin. My point is kailangan pa bang sabihin mong liligawan mo ko?”
“Yeah I think so. Kasi mukhang ako naman ang pinag-uusapan niyo diba?”
“Kaya lang kasi magiging balita na naman sa buong school ang tungkol sa sinabi mo eh.”
“So?”
“What so? Pagpipiyestahan na naman nila ako sa buong campus! Di pa nga tapos ang isang issue sakin eto na naman.” Naihilamos ko yung palad ko sa mukha ko.
“ano naman?”
“anong ano naman?! Ayoko nang pag-tsismisan na naman ng lahat. Nakakafrustrate na pwede ba?!” I feel like strangling him at the moment.
“Ano bang pinoproblema mo? Na baka ipagkalat ko din sa buong school na pinagtri-trip-an lang kita kaya kita niligawan? Hindi ako ganun kababaw na tao. Or baka naman sineryoso mo lang masyado yung sinabi ko? Sabihin mo lang sa’kin kung ganun nga. Pwede naman nating totohanin eh.” Tapos nun umalis na siya. Hala ano raw? Ang yabang naman ng lalaking yun.feeling niya ata lahat ng babae may gusto sa kanya!
