Chapter 21

154 6 0
                                    

Nung masiguro ng lahat na okay na si Kylie pagkatapos magpatawag ng doctor eh tinuloy na lang yung party. Si Kei naman binantayan lang si Kylie sa itaas. Iintayin na lang daw niya magising.

                “Ewan ko talaga kung arte lang yun ng babaeng yun eh.”

                “Lacey tama na nga. Ikaw talaga. Nahimatay na nga yung tao ganyan ka pa.”

                “Matagal nang sakitin si Kylie. Kaya nga siguro gusto siya ni Kei noon. Ang hilig mag-alaga ng mahina eh. He likes fragile girls.”

                “Leigh. Hindi pa kumakain si Kei.” Alam ko naman agad kung ano yung pinapahiwatig ni Dray kaya kumuha ako ng pagkain sa buffet table at pumasok sa loob. Kakatok sana ako sa pinto kaya lang naalala kong nagpapahinga si Kylie kaya pumasok na lang ako ang kaso hindi naman ako ready sa nakita ko. Magkaakap sina Kylie at Kei.

                Lalabas na lang sana ako kaya lang nalaglag yung kutsara sa plato kaya lumikha ng tunog.

                “Leigh…”

                “I… uhm… I’m sorry. Naistorbo ko kayo. Dinalhan kita ng pagkain kasi di ka pa kumakain diba? A sige alis na ako.” Binaba ko lang yung pagkain sa mesa bago ako lumabas ng hindi sila nililingon. Nagtatakbo na din ako palabas ng bahay papunta sa backyard para magpaalam. Parang hindi ko kasi kinaya yung nakita ko. Gusto ko ng umuwi!!!

                “Oh Leigh naihatid mo ba---“

                “Sorry pero kailangan ko ng umuwi.”

                “Pero Leigh. Iniintay ka pa nilang magperform.

                Tinitigan niya yung mukha ko. At mukhang may nabasa naman siya dun. “Okay pero pwede ka bang magperform one last time bago ka umuwi?”

                “I can’t Dray… I’m sorry”

                “Please?”

                “Leigh!”

                Sumunod si Kei? Hindi ko siya nilingon. Para san pa? baka mapansin pa niyang affected ako…

                “Okay I’ll sing…”hindi ko alam kung bakit pinapakanta nila ako pero kailangan kong matakasan si Kei kaya umakyat na din ako sa stage. Isa pa. chance ko na din ito para masabi ang dapat sabihin. Feeling ko kasi sasabog na ako eh.

                “Uhm … panahon na siguro ‘to para masabi sa lahat yung mga dapat sabihin. Sana maintindihan ‘to nung dapat makaintindi. “

                This is wrong but I can’t help but feel like

                There ‘aint nothing more I’d be

                Misty morning, comes again and I Can’t

                Help but wish I could see your face…

                I knew from the

                I’ll be breaking my rules to see you…

You smiled like a beautiful smile

And all the girls on the front row screamed your name.

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon