Hindi ko alam kung maaawa ako o matutuwa sa nalaman ko about Ian. Kasi naman naranasan na din niya finally yung pakiramdam ni Kei nung iba ang mahalin ng mahal niya. Pero nasaktan din kasi si Ian. Saka kasalanan ba niya kung siya ang nagustuhan nung Kylie? Oh sige na nga maaawa na lang din ako sa kanya. Kaya lang naintriga naman ako sa sinabi niya. Parang kasing si Kei yung tinutukoy niya na mahal nung taong mhal niya ngayon. Pero sino naman kaya yun? Karibal ko na naman siguro yun sa puso ng batong gusto ko.
Haizt! Hirap naman! Bato na nga lang andami ko pang kaagaw. Naku naman!
* * *
“Telepono” inabot ni Dray sa akin yung cellphone niya. Sabay-sabay kaming nagla-lunch nun nina Lacey. Wala naman akong ibang makakasabay eh. Yung dalawang kulugo naman nakikita ko lang kapag practice na namin. Ewan ko kung san nagsususuot kapag freetime nila.
“Cellphone kaya yan.”
“Hun, pinapatawa mo na naman ako eh.” Tapos ginulo niya yung buhok ni lacey. Pinalis naman niya yung kamay ni Dray.
“Not my hair okay? Saka di naman ako nagjojoke ah!” reklamo naman ni Lacey. At nakuha pang magpout ng lips. Pa-cute ha? palibhasa boyfriend na niya ang kausap niya eh.
“Sige na nga.” Tapos kiniss niya sa left cheek ang bestfriend ko bago ako binalingan ulit. “Kausapin mo na ‘to Leigh bago pa ako isumpa nito.” Iminuwestra niya ulit yung phone niya sa akin.
“Sino ba ‘to?” tanong ko nung kinuha ko na sa kamay niya yung cellphone niya.
“Sagutin mo na lang kasi.” Tapos binalingan niya ulit ang bestfriend ko at naglambingan pa. sa harap ko pa talaga ah! Naiinggit ako!
“Okay fine! Basta lumayas-layas kayong dalawa sa harap ko at baka maisuka ko pa yung nakain ko na!”
“Asus! Inggit ka lang bestfriend eh! Palibhasa missing in action ang irog mo ngayon.”
“Heh!”
Nagtawanan lang sila noon.
Naririnig ko na yung malakas na paghe-hello nung nasa kabilang linya kahit medyo malayo pa naman sa tenga ko yung cellphone. Mukhang nagwawala na nga ang isang yun.
“Kayong dalawa! Shoo!” tapos binalingan ko naman yung telepono. “Hello…”
“Bakit ngayon ka lang nagsalita ha? mukha na akong tanga kaka-hello dito ah!”
Woah… Woah… namiss ko pa naman ang lalaking ‘to kaso niraratrat na ako ng sermon eh hello pa lang ang nasasabi ko.
“Hold it. First of all hindi ko naman na ikaw ang tumatawag.” Dahil kung alam ko eh malamang nagkukumahog na akong sagutin yun. “Second, bakit ba ang init ng ulo mo?”
He sighed. Mukhang narealize din niyang mali ang ginawa niya ah.
“Sorry…”
Yun oh! Nakakagulat na talaga siya.
“Say something!”
Ayt galit ulit? Hehe…
“Kamusta na ang lola mo?”
