Chapter 5

208 8 0
                                    

Nakahinga lang ako ng maayos nung naglalakad na ako pauwi. Feeling ko kasi ligtas na ko sa masasamang tingin ni Merian at ng mga alipores niya at sa presensya ni Kei. Parang ang dami kong ginawa ngayong araw na ‘to eh. Nakaka-stress talaga sa campus kaya I felt so relieved nung pinalabas na kami.

                Tumatawid na ko papunta sa block namin nung malaglag yung necklace ko na napigtas pala at di ko alam kung bakit. Bigay pa naman yun ng papa ko kaya mahalaga sa akin yun.

Yumukod na ko para pulutin yun . Hawak ko na lang yung necklace sa pavement nung marinig ko yung paparating na sasakyan. Syempre like sa mga pelikula at drama sitcoms bago masagasaan yung bida diba natutulala muna sa paparating na sasakya hindi na lang tumabi agad. Ewan ko ba. Noon inaapi ko yung mga bida pag ganung tatanga-tanga pero pag ako pala sa sitwasyon ganun din ako. Parang bigla kasi akong nablangko sa takot. Oo natatakot na nga ako.

Kasalukuyan akong nasisilaw sa ilaw ng sasakyan nung maramdaman kong may humawak sa bewang ko at namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa sahig at may nakadagan sa akin. At yung sasakytan eh lumampas na samin.

Nung finally nahimasmasan ako kahit papanu saka ko inalam kung sino yung sumagip sa akin.

“Kei?”nakasimangot na naman siya sa akin nun. Pero parang sanay na din ako sa mukha niyang laging pasan ang daigdig. Nakasuporta ang braso niya sa likod ng ulo ko at nakapulupot pa din yung isa niyang braso sa bewang ko. In short halos nakayakap siya sakin. “Bitawan mo nga ako!” itinulak ko na siya nun at sabay na kaming tumayo. Tinignan ko kung nasa kamay ko pa rin yung necklace. Andito pa. nakahinga ako ng maluwag.

“What were you thinking?! Kung magpapakamatay ka wag sa harap ko ha!” woah. Mukha talaga siyang galit. Bakit kaya?

“H-hindi ko naman alam na nandyan ka ah.”

“At balak ngang magpakamatay.” Umiling-iling siya nun na parang baliw na ang tingin niya sa’kin.

“Hoy hindi ah!” nataranta lang naman ako kanina sa sinagot ko kasi galit siya eh. “kinuha ko lang yung necklace na nalaglag sakin.” Pinakita ko pa sa kanya yung necklace.

“Hindi nag-iingat” naglalakad na siya nun palampas sa akin. Ako naman biglang nahiya. Di man lang kasi ako nakapag-thank you sa kanya eh kaya pagdaan niya sakin eh pinigil ko siya sa braso. “Ouch!” napatingin ako sa braso niya nun kasi di naman mahigpit yung pagkakahawak ko sa kanya nun tapos nasaktan siya?

Dun ko nakita nanamamaga ng bahagya yung sa may siko niya. Malamang pilay. Naku naman Leigh! Nandamay ka pa sa kamalasan mo ngayong araw!!

“Hala Kei! May pilay ka ata!” ginalaw ko ng bahagya yung braso niya at dumaing siya ulit. “Magpa-ospital ka na!!!” natatarantang sabi ko. Malay ko ba naman kung anong first aid sa mga nagkakaganito!

“Wag ka ngang OA. Pilay lang yan!”

Diniinan ko ng bahagya yung braso niya at dumaing siya ulit.

“O.A. ha?” Hinawakan ko yung kabila niyang kamay at hinila na siya papunta sa sakayan. Desidido kasi ako na dalhin siya sa ospital dahil nga technically eh kasalanan ko din kung bakit injured na siya ngayon.

“Teka san mo ba balak pumunta at kailangan pang hilahin mo ko?”

“Sa orthopedic! Papatingin natin yan.”

Kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kanya nun.

“di ba sinabi ko na nga wag kang o.a! simpleng pilay lang yan. Ipapahilot ko na lang kay manang…… kung sino man yung manghihilot naming kapitbahay…”

“Mas mabuti nang ipatingin natin yan sa eksperto baka lumala pa yan eh.”

“Hindi na nga!”

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon