Chapter 1

359 9 0
                                    

I was never that brave to fall for you

I'm not yet ready to give you my all

for when you let me down, I wouldn't be the same...

Without you in my life, I would go insane.

      Nabibingi na ko sa tilian ng mga babae sa paligid ko. Ang end-of-

foundation week-party (ang haba noh? Pauso yan ng school) namin eh

nagmukhang band concert. Mukhang ito lang kasi ang inabangan ng mga

students sa party na 'to. Ang performance ng bandang Silently Screaming,

ang official rock band ng school. Official meaning sila ang tumutugtog sa

mga special events gaya ngayon at sila din ang nagrerepresent sa school

sa mga band competitions againsts other schools.

      Sikat na sikat ang banda nila di lang sa school kundi maging sa ibang

schools kasi madalas silang magchampion sa mga sinasalihan nilang

competitions at dahil na rin lahat ng miyembro nila eh may itsura. It's an

understatement actually dahil ayon sa mga girls sa campus (kung

magpapasurvey ka) sobrang cute ng mga members nila.

      Para sa opinyon ko? So what? All I know is sikat sila and I'm allergic to

popular people especially popular guys.Nadala na ko eh.

I was never that brave to fall for you.

for i know you can break my heart into two

But If I'll let you through my life i would never be the same.

I'm not too brave to let you go away

‘Cause without you in my life I'll go insane

      More screaming from the crowd nung matapos yung performance nila.

May mga iba pa ngang tumatalon-talon pa. Mga die-hard fans ata nila ang

lahat ng 'to ah. Katakot naman...

     "Grabe ang galing talaga nila at ang cool pa!!!!" tili ni Lacey na nasa

tabi ko lang kaya feeling ko nabasag ang eardrums ko ng tuluyan.

     "Oo na cool na sila. Tara na nga kumain na lang tayo." Hinila ko na siya

sa buffet table sa tabi.

      "Ang galing nila noh? Sana maging boyfriend ko ang isa sa kanila.. Ang

saya siguro nun noh? Kaiinggitan ka ng lahat ng babae sa campus."

      "Baka masaktan ka lang kamo."

      "Ikaw talaga ang bitter mo! Yung si Greeko naman mukhang hindi talaga

gagawa ng mabuti ewan ko ba kung bakit pinatulan mo yun

pero sila..."  Nag-dramatic glance pa siya sa banda na pababa na ng stage.

"Heaven!!!" Patili pang sabi niya. Napailing na lang ako tapos nauna na ko

sa buffet table. Mukhang kailangan pa kasi niya ng time sa pagpapantasya.

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon