Chapter 9

203 9 0
                                    

“Good evening iha. You really are pretty. Pasok na tayo at mahamog dito.”

                Nauna nang pumasok sa loob ng bahay yung Lola niya. Ako naman naiilang pa rin. Binabalak ko na ring sakalin ‘tong lalaking nasa tabi ko na ngayon.

                “Pasok na daw sabi ni Lola.” Tapos hinawakan niya yung braso ko at inalalayan ao sa paglalakad. Not his usual na pagkaladkad sa akin.

                “Teka nga muna.” Tumigil kami sa paglalakad. “Bakit mo ba ko dinala dito?” tanong ko pero pabulong lang. kasi baka lumabas ulit lola niya marinig pa ako.

                “To have dinner.”

                “Pero pwede naman ako mag-dinner sa bahay eh.”

                “Gusto ka kasing makilala ng lola ko.”

                “Bakit naman?”

                “Ewan…”

                “Bakit kasi kinuwento mo pa ko sa lola mo.”

                “Wala lang. Trip.”

                Pigilan niyo ko masasakal ko na ito eh.

                “Baka hanapin ako sa bahay nito eh.”

                “Don’t worry. Tumawag na si Lola sa inyo kanina. Naipagpaalam ka na niya. And I’ll take you home after kaya relax ka lang pwede?”

                Wow talagang napaghandaan na talaga niya ang pagpunta ko dito ngayon. Kaya pala nagmamadali siya kanina. Haizt! Ang weird talaga ng mga pangyayari sakin ngayong araw na ito.

                Panu naman ako makakapagrelax nito? Pagpasok naming sa bahay puro magagandang bagay ang nakikita ko. Parang humihiyaw pa na “mahal kami, bawal hawakan!” pati silver ware nila at porcelain plates nakakatakot gamitin. Parang nakakahiyang gamitin sa pagkain eh. Display lang samin ‘to eh!!!

                “Bakit iha? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba ng mga ipinaluto ko?”

                Ayaw daw? Nakakatakam nga lahat eh.

                “H-hindi po. Hindi lang po ako sanay.”

                “Ate eat ka na po.” Tapos nagsmile sa akin yung kapatid niyang lalaki. Yung sinave ko last time. Ang cute niya talaga. Parang masayahing version lang ni Kei hehe….

                “Alam ko na. Hindi ka sanay sa ganitong formalities ano? Feel at home ka lang iha. Wag ka mahiya sa amin. Ganyan din ako before ko mapangasawa ang gwapong lolo nitong si Kei.”

                I smiled. This time totoong smile na. Ang bait kasi ng lola niya eh.

                “Hindi ba naikwento sa iyo ng apo ko?”

                “Naku hindi naman po siya palakwento eh.” Tinignan ko si Kei na busy sa pagkain ng isang kamay lang ang gamit at sa pinggan lang nakatingin.

                “Naku tama ka. Alam mo kasi iha, ako eh hindi naman mayaman noon. Nagkamali lang kami ng lolo niya nung minsang magcheck in siya sa hotel na pinagtatrabahuhan ko bilang receptionist. Ayun lagi na niya akong dindalaw mula noon kahit may bahay naman ang loko eh doon pa din natutulog oh di kaya kumakain. Dahil sweet anglalaking yun eh sinagot ko din naman.”

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon