... 2 ...
"San ka ba nagpunta nung party ha? Bakit bigla ka na lang nawala? Nag-
alala ako sa'yo eh"Sabay binatukan pa ko ni Lacey. Mukhang nag-alala nga
ata siya sakin. Ang lakas kasi ng loob niya ngayong mambatok eh.
"Aray naman. Sumama kasi yung pakiramdam ko nun kaya umuwi na
ko. Sorry bestfriend" After kasi nung lumabas yung lalaki sa studio eh
umalis na din ako. Parang nakakahiya naman kasi kung magsi-stay pa ko
dun eh hindi nga naman ako member at yung nakausap ko na mukhang
member nila eh umalis pa.
"Bakit di mo man lang ako sinabihan? Sana sinamahan na kita pauwi."
"Eh kasi alam ko namang nag-eenjoy ka pa sa party eh. Ayoko namang
maging K.J" actually palusot ko lang yun dahil kung hinanap ko siya that
time eh magtatanong lang siya at lalong mag-aalala kapag nakita niyang
namumugto yung mata ko. Isa pa ayoko nang sabihin sa kanya yung
nangyari. Baka bigla pa siyang maghamon ng away. Mahal kasi ako ni
bestfriend alam ko naman yun.
"Sa susunod wag ka nang biglang mawawala ah."
"Okay."
"Pero alam mo bestfriend dapat tinawag mo na lang ako nung umuwi ka."
"Bakit naman? Nag-enjoy ka naman sa party diba?"
"Well yeah. Nung una. Pero nung huli di na. Kasi naman parang naging
party lang nina Merian yun imbis ng buong school. Like always."
"Ganun ba?" Mabuti na lang pala at umuwi na ko nun. Kung hindi baka
gawin pa kong katuwaan ng mga yun.
Nga pala kung hindi ko pa naikukuwento, Merian is the most popular
girl in campus. Bakit? Dahil siya ang hottest girl dito. She's pretty, she’s rich
plus she's a great dancer with a body to die for. Siya ang leader ng dance
troup nila. And her recent boyfriend... none other than the heartless Greeko
Corlinas. Siya ang captain ng basketball varsity team ng school at sikat din
sa girls for his good looks and great moves.
So you see they're a great pair. Bagay sila dahil pareho silang 'elite"
type sa school. Nililingon ng lahat pag dumadaan at pinag-uusapan
madalas.
Ako? Commoner lang ako. The normal high school student. Hindi
mapapansin kung hindi talaga pagtutuunan ng pansin.
"Andyan na si ma'am!"
*****************************************************
Kahit di ako sikat as the glam girl of school nag-eexcel naman ako sa
klase. Kaya kapag may pinapagawa ang mga teacher madalas ako ang
nauutusan like checking test papers, or substitute teacher kapag may
