“Dalian mo Lacey! Uwi na tayo.” Patingin-tingin naman ako sa labas ng room. Wala pa naman dun yung kinakatakutan kong makita.
“Hay naku bestfriend. Pumayag ka na lang kasi. Opportunity din naman yun para sumikat ka sa campus not to mention makakasama ko pa ang Silently Screaming. Dream come true yun friend.”
“Para sayo pero para sa’kin hindi. Bangungot yun! Kaya tara na! Kailangan matakasan ko yun” nauna na ako sa paglabas ng room. Nasa labas na ako ng room at relieved na dahil akala ko wala siya.
“Going somewhere?” Nilingon ko yung lalaking ayoko talagang makita ngayon. Akala ko pa naman nakaligtas na ako.
Umalis siya pagkakasandal sa pader sa tabi mismo ng pinto ng room namin at humarap sa akin. Nakapamulsa pa siya nun. Ang cool niya talaga at ang cute niya at nababaliw na ako dahil pinupuri ko pa siya ngayon.
“B-Bakit andito ka?”
“Sinusundo ka.”
“Bakit sinundo mo pa ko kaya ko naman pumunta sa studio niyo ah. May paa ako.”
“Alam ko. Kaya lang baka hindi ka dumiretso sa practice eh. Baka lang naman nawala ulit sa isip mo at umuwi ka na. o baka lang naman binabalak mong takasan ako?”
“H-hindi ah!”
Nilapit pa niya yung mukha niya sa akin nun at tinitigan ang mukha ko. Tapos nun lumayo siya at hinawakan yung kamay ko.
“Ganun naman pala eh. Tara na!” Tapos hinila na niya ako papunta sa direksyon ng studio nila. Ano pa bang magagwa ko kundi magpatangay na lang. Hawak na niya ang kamay ko eh. Wala na akong kawala. Bakit ba kasi kahit kelan eh ang galling niyang tumiming?
2-0… 2 para kay Kei, 0 pa rin para kay Carleigh! Whew!
* * *
Pagdating namin sa studio nila andun na yung bandmates niya. Syempre naman nahiya ako. Puro kasi lalaki tapos bigla akong papasok eh ako lang ang babae not to mention di pa nila ako kilala.
“Hi Miss Caleigh!” Correction. Yung iba lang pala ang hindi nakakakilala sakin. Andito nga pala si Dray.
“Anong ginagawa mo dyan sa may pinto? Pumasok ka dito.”
Pumasok naman ako. Baka bigla akong sakalin nito eh.
“Pare anong nangyari sa’yo?” sabi nung may hawak ng base guitar. “at sino yang kasama mong bata?”
Bata daw? Kainis!
“Girlfriend mo tol?” sabi naman nung nag-aayos nung keyboard.
“Hindi.”
“Malapit pa lang.” tatawa-tawang sabi naman ni Dray.
“Shut up Dray!” tumahimik ang Dray. Buti nga. “siya muna ang papalit sa akin.”
“Papalit?”
“You mean----?”
“Yeah”
“Oh man!”