Chapter 12

164 8 0
                                    

Kinabukasan naman okay na yung pakiramdam ko. Naalagaan naman kasi akong mabuti eh. At saka o.a lang ang sangkatauhan kaya dinala pa ako sa hospital. Si kei lang pala hehe…

                Dahil dun sa nalaman ko sa computer ko kagabi eh parang nagulo na naman ang utak ko. Akalain ko ba namang may ka-sweet-an palang itinatago sa katawan ang isang Kei. Tuloy habang nagb-breakfast eh tulala lang ako sa pagkain.

                “Hoy Leigh! Naaaning ka na naman ba? Baka makain mo na yang plato mo!”

                Tumingin ako sa plato ko. Ngek! Wala na palang laman.

                “Ano ba iniisip mo ha?” kami lang ni kuya ang andito dahil wala na naman ang ibang tao.

                “Wala”

                “Kung iniisip mo si Kei, hindi ka na dadalawin nun. Makita ba naman niya ang itsura mo pag tulog eh. Na-turn-off na ang isang yun.”

                “Epal ka kuya! Hindi naman ako malikot matulog ah!”

                Pero hindi nga? Mukha ba talaga akong sira pag tulog?

                “Sabi na, si Kei ang iniisip mo eh.”

                Waaaaah! Buking tuloy!

                “Kuya, siya ba talaga nagdala sa akin sa ospital?”

                “Oo nga! Ang kulit! Paulit-ulit.”

                Pero diba may pilay ang isang yun? Saka bawal kaya mapwersa ang braso nun.

                “Eh panu niya ako nadala dun?”

                “Malamang binuhat ka. Di naman siya tumawag ng ambulansya eh. Yun eh ayon sa kwento niya ha.”

                Binuhat? You mean?!

                Tumayo na ako nun at tumakbo sa banyo para maligo.

                “Hoy buang! Bat ka nagmamadali!”

                Hindi ko na pinansin si kuya at naligo na lang. kung ganun pinuwersa niya yung braso niya? Para sa akin? Waaaaah! Kasalanan ko na naman pala.

                After maligo at magbihis eh nagmamadali na rin akong umalis pagkatapos sabihin kay kuya na pupunta ako kay Kei.

                “Hoy! Baka mabinat ka!!!”

                Deadma na lang kay kuya. Pumunta pa si Kei para alagaan ako eh may iniinda na atang sakit ang isang yun. Nakuha pa akong itulak-tulak kahapon. Galing talagang magtago ng nararamdaman. Naku! Pag bato nga naman!

                Pumunta na ako sa bahay nila since linggo nga. Baka sakaling andun siya.

                Nagdoorbell ako sa may gate nila na naka-close that time. Nung unang punta ko kasi dun bukas yun eh. Ineexpect kasi siguro nila ang pagdating namin nun. Ngayon kasi hindi eh.

                Tapos may nagsalita sa parang speaker dun sa doorbell.

                “Sino po sila?”

                Sosyal talaga. May ganito pa.

                “Si Carleigh po ito. Kaibigan ni Kei.”

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon