Chapter 15

175 4 0
                                    

Gaya nga nung napag-usapan kanina eh napagpasyahan ng lahat na mag-celebrate muna somewhere at sa Shakey’s kami nauwi. Mga isip bata kasi ang mga kasama ko. Sabagay mga 4th year pa lang naman kami eh so hanggang dito pa lang kami.

                Ang ginamit nila Melvin at Jake na sasakyan eh yung sinakyan naming kanina samantalang ako eh kay Kei na lang at sa driver niya sumakay. Kawawa naman kung mag-isa siya eh. Si Dray naman nagpaalam na agad at masakit daw ang ulo but I don’t believe him. Kahit anong sakit naman kasi eh hindi nakakapigil sa kanya na ngumiti kaya alam naming mas malalim pa yung dahilan niya. Pero pinabayaan na namin.

                Ang gulo-gulo nga nila pagdating sa Shakey’s. Parang ngayon lang pakakain after so many years. Kulang na lang eh magtatalon sila dun. Mabuti na nga lang at cute ang mga yan kaya kahit mukha silang tangang ngayon lang nakakita ng pizza eh napapangiti lang yung mga nasa paligid lalo na yung mga babae. Kami naman ni Kei eh pinapanood na lang ang kakulitan nila.

                “Mag-behave na nga kayong mga nilalang kayo!”

                “Walang pakielamanan okay? Sinasamba pa namin ang libre ni Kei eh!”

                “Bakit naman?”

                “Ngayon lang kasi nanlibre ang batong yan eh. Kaya dapat ipagpunyagi! Haha!”

                “tama na nga kayong dalawa dyan! Banatan na lang natin yung pagkain! Baka na-eexcite na yan magpakain.”

                “Teka lang Leigh. Dadasalan ko pa yan”

                “Dadasalan?”

                “Oo. Baka kasi isinumpa yan ni Kei bumula pa bibig natin pag kinain natin agad-----Ouch!”

Kinamot-kamot niya pa yung likod ng ulo niya na binatukan ni Kei. “Nakakarami ka na pare ah… napupuno na ako sayo…”

                “Bakit may reklamo ka?”

                “Wala… kaw naman pare masyado kang highblood. Lam mo namang labs na labs kita eh.”

                “Good.”

                At ayun, tawanan habang kumakain. Kulitan and all. Basta happy ako dahil kasama ko sila. Tinawagan ko pa nga si Lacey para sana i-invite din siya sa kulitan naming ang kaso masama daw ang pakiramdam.

                Si Kei? Ayun… ngayon ko lang nakita yung ganitong siya… I mean he was smiling kahit once in a while lang. Tapos kapag minsan eh may mga babaeng hindi makatiis at nagpapa-picture with him eh pinagbibigyan niya ngayon di gaya dati na sinusungitan pa niya.

                “Bakit parang iba ka ngayon?”

                “Iba?”

                “Oo nga pare. Parang ang bait mo ngayon.”

                “Hindi noh! Mabait na ko dati pa!”

                “weeeh? Eh diba nga may reserved seat ka na sa impiyerno pare?” nag-act si Kei na babatukan ulit si Jake. “Oh! Oh! Mambabatok ka na naman. Baka ipagpagawa ka na nung bestfriend mung may sungay at buntot ng sarili mong korona at trono niyan!”

                At ayun binatukan nga niya ng tuluyan. Tawanan ulit ang lahat.

                “Mukhang nagkakasayahan kayo ah.”

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon