Chapter 11

182 7 0
                                    

Waaaaah! Nabuburyong na ang kaluluwa ko dito sa bahay! Kasi naman eh! Bakit ba ako nagkasakit? Nakakulong tuloy ako dito sa kwarto ko at maghapong nakahiga or nakaupo sa kama. Hindi naman ako makapagbasa man lang kasi masakit sa ulo. Tapos ako lang mag-isa dito sa bahay kasi naman si ate asa work, si papa din. Ang magaling ko namang Kuya lumayas din kasama tropa niya kasi nga kakauwi nga lang daw niya dito kaya kailangan niya ng time makipag-mingle sa mga tropa niyang tagarito. Ayos lang naman daw siguro ako kasi nagluto na siya ng food at nilagay na niya sa table ko at may papupuntahin daw siya na mag-aalaga sakin. For sure isa sa mga babaeng nahihibang sa kanya ang nauto niya na alagaan ako.

                Nakakatamad naman. Kaya lang kasi bawal naman akong bumaba kasi nga complete bed rest diba?

                Kaya lang ako lang namang mag-isa. Walang magbabawal. Hehe… saka sa sala lang naman ako manunuod lang ng tv at hihiga sa couch…

                At ayun nga tumayo na ako at lumapit sa pinto. Di naman siguro ako lalala noh? Konting lakad lang naman saka konting tv eh.

                Binuksan ko yung pinto…

                “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

                Tinakpan niya yung bibig ko gamit yung palad niya.

                “Ang laki ng problema mo noh?! “

                Tinanggal ko naman yung kamay niya sa bibig ko. Bakit kasi bigla na lang may sumusulpot na bakulaw dito?

                “Anong gingawa mo dito? akyat bahay ka noh?”

                Tok!

                “Aray naman! Bat nakabatok ka ha?!”

                “bakit ka nakatayo ha? humiga ka dun!” utos ni kei.

                Ay! Ang saya talaga nitong nilalang na ‘to. Nakabatok na nga inuutusan pa ako!

                “Pupunta ako sa sala eh! Ikaw anong ginagawa mo dito?”

                “Pinapunta ako ng Kuya mo. Humiga ka nga!” tapos tinulak na ako pabalik sa kama .

                Syempre dahil makulit akong bata kapag siya ang kausap  tumatayo pa rin ako kahit pinapahiga niya ako.

                “Ano ba! Wag ka ngang makulit! Humiga ka lang dyan!” tulak ulit sa akin paupo sa kama

                “Ayoko nga eh! Gusto ko ngang manuod ng TV!” tayo naman ako ulit.

                “Alin ba sa ‘total bed rest’ ang hindi mo naiintindihan?!” tulak ulit.

                “I perfectly understand that kaya lang nakakatamad na dito eh! Magkacouch rest na lang ako okay?” tayo ulit. Grabe hindi kami matatapos ng ganito!

                “Wag ka ng makulit pwede?” tulak ulit!

                “Ikaw ang wag makulit noh!” tayo ulit!

                “Napaka talaga!” nagulat ako nung itulak niya ako sa balikat pahiga tapos dumagaan siya sa akin. Well hindi naman super dagan. Magaan lang saka yung kamay lang talaga niya yung nag-pi-pin sa akin sa kama.yun nga lang nakasampa na din siya sa kama! Nilapit pa niya sa akin yunjg mukha niya.

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon