Chapter 19

159 4 0
                                    

                “Uh hi?”

                Napatingin ulit sa akin si Kylie. Nagsmile na lang ako. Alanganin nga lang.

                So this girl is Kylie from Kei’s past. She’s pretty.

                “Kylie what are you doing here.” Ulit ni kei dun sa tanong niya.

                “As I was saying kanina dinalhan kita ng soup na niluto ni Mommy kanina saka dinalhan na din kita ng medicine. Ang kaso may nag-aasikaso na pala sa iyo.” Tumingin sa akin si Kylie.

                “That’s right. You can probably go home now.”

                “Kei, can we talk?” tingin ulit sa akin. Dapat ba lumalayas na ako?

                “Yeah sure. Start talking. I’m listening.”

                “I mean. Alone?”

                Sabi ko nga dapat umalis na ako kanina pa eh.

                “Ahm sige Kei, alis na ako” tatayo n asana ako ang kaso inakbayan ako ni Kei at pinaupo ulit. Nakatingin pa din siya nun kay Kylie.

                “You’re going to say anything that you want to tell me in front of my girl.”

                Weh? Tinignan ko yung mukha ni Kei. Seryoso ba ang isang ‘to?

                “Kei, you know I can’t.” hindi ko malaman kung nagmamakaawa ba yung tingin na binigay sa akin ni Kylie or nagbabanta?

                “Don’t say it then.”

                Ito namang Kei na ‘to wala man lang kaemo-emosyon sa sinabi. Akala ko ba type niya ‘tong babaeng ‘to before?

                “Fine! I realized that I like you the moment we saw each other again kahit cold ka na sa akin so I came all the way here with you because I want you back!”

                Parang ako naman yung nagulat. Tingnan mo nga naman. Nagkita nga sila sa U.S. at ngayon ang babaeng gustong gusto noon ni Kei eh heto at nagtatapat na sa kanya ngayon. Nakaramdam ako ng takot. Pero para san?

                Tinignan ko si Kei. Nakatingin lang siya kay Kylie. Walang nabago sa facial expression. Blangko pa din.

                “Kei, wala ka man lang bang sasabihin?” mukhang handa ng magwala si Kylie ah.

                “What do you want me to say?” wala pa ring nagbabago sa mukha. Whew!

                “Arghh!!!!” then she walked out. Nagdadabog pa yun ah. Typical brat.

                Tinignan ko ulit si Kei.  Wala talaga. Kelan kaya magpapakita ng emosyon ang lalaking batong ‘to.

                “Uhm Kei hindi mo ba siya susundan?”

                “Hindi na kailangan.” Sumandal ulit siya sa balikat ko. “Okay na ako dito.”

                Dapat na ba akong umasa ng tuluyan sa mga pinapakita niya sa akin? Hindi niya din sinundan si Kylie? Baka… baka may pag-asa na nga ako sa kanya ngayon.

                ********************************************************

                The following week siyempre pumasok na din ulit si Kei pero may isa akong hindi inaasahang makita sa school ko at sa mismong klase ko pa.

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon