Chapter 3

219 9 0
                                    

     Pauwi na ko ng bahay. Since walking distance lang naman yung bahay

namin sa school namin eh eto nga at naglalakad na lang ako pauwi. Minsan ko

lang naman maisipang magtricycle pauwi eh. Kapag malelate lang papunta sa

school.

    Paliko na ko sa may block namin nung makita ko yung about 7 year old

kid na mukhang pupulutin yung bola na nasa gitna ng kalsada. Napalingon ako

sa left side kung san paparating yung sasakyan na ang bilis pa ng takbo.

Hala!

    Hindi na ko nagdalawang-isip. Tinakbo ko na yung bata sa gitna then

binuhat ko siya palayo sa dadaanan nung sasakyan. Mabuti na lang nga at

hindi ganun kabigat yung bata kaya nailayo ko siya. Ramdam ko pa yung

hangin nung dumaan yung sasakyan kasi di naman kami masyadong

nakalayo.Ang lakas din ng tibok ng puso ko. I can still feel the adrenaline in

my nerves.

     "Ryu!"

    Parang nagising ako sa boses na yun. Nilingon ko yung kung sino mang

sumigaw. Si Kei. Kinuha niya sakin yung bata na buhat ko pa rin pala nun at

nakakapit sakin.

     "Kuya!" Umiiyak na yung bata nun. At teka... Kuya???

     "'you okay?" Tanong niya dun sa bata. Tumango lang naman yung bata at

umakap ng mahigpit kay Kei. Mukhang natakot din talaga ngayon nga lang

siya nakaiyak.

     "Kapatid mo siya?"    Singit ko naman.

     "Yeah"

    "Next time mag-iingat ka ah. And don't play here. Delikado eh." Sabi ko

dun sa bata at tumalikod na ko.

     "Wait" tumingin-tingin muna ako sa paligid bago ko nilingon ulit yung

dalawa.

    "Ako ba?" tinuro ko pa yung dibdib ko.

     "Thanks" Uy! Anu daw? Hmm makaganti nga.

     "Hindi naman kita tinulungan ah bakit ka nagt-thank you?"

    "It's in behalf of my whole family so just accept it."

    Di na ko nakasagot dahil nakatalikod na siya eh. Yung bata naman na

buhat pa niya eh kumaway pa sakin.

     Kala ko pa naman makakaganti ako sa kasungitan niya kanina. Kaso talo

pa din ako. Kainis naman... Pero infairness ang cute nilang tignan habang

buhat niya yung kapatid niya. Kala ko talaga walang-puso ang isang yun. Di

naman pala. He's nice, well that's when his brother is concerned.

08-06-**

     Ang buong akala ko pa naman tinulungan nga niya ako. Yun pala naiingayan lang siya. Oo na aaminin ko na. Kinilig ako kanina ng konti. Kasi naman mukhang tinulungan naman niya talaga ako kanina eh. Yun nga lang nakakadisappoint kasi naman sarili lang pala niya ang iniintindi niya that time.        Hello! Leigh! ano ba naman ang aasahan mo? Eh sikat nga yun diba? Asa pa kong pagtutuunan niya ng pansin na tulungan ako diba. I mean sino ba ko? I'm a nobody compare to him. At teka bakit ba pinag-iisipan ko pa 'to? Diba sinabi ko na sa sarili ko na tama na ang pag-iilusyon sa mga sikat. It would do me no good.     Nga pala kanina, when I'm on my way home, I saved this cute kid from danger of getting hit by an oncoming car. I love kids kasi at di ko naman maatim na di tulungan.       Tapos nalaman ko na lang na kapatid nung bata si Kei, the one and only. Ayun. Super coincidential na pagkikita namin but he said thank you. Kakagulat nga eh. Akala ko puro kasungitan lang ang alam niya.      At ang cute nila tignan ng kapatid niya. Parang ang sweet-sweet niya kasi sa baby bro niya eh hmmmmm... interesting.........

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon