Chapter 14

173 7 0
                                    

Saturday night….

Night of the band competition…

At ang araw ng kahihiyan ko….

                Okay o.a na. Wala pa namang nangyayari eh noh! Nagpapaka-pessimist na naman ako.

                Sa haba ng panahong nagpractice ako with Silently Screaming eh naging masaya naman ako. Nakakatuwa kasi silang kasama. Isa lang ang kinakabahala ko. Si Kei. He’s still not talking to me hanggang ngayon na ilang araw na ang nakalilipas. Oo nga at pinapahatid niya ako sa mga friends niya pero hindi na kasi siya yung naghahatid sa akin unlike before. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya nagalit. Kung galit man siya.

                Magpeperform na lang kami pero masama pa rin ata ang loob niya sa akin. Parang lalo tuloy akong hindi mapakali. Ano ba naman!

                Maya-maya nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa harap ng gate naming. Andito na ata ang sundo ko. Sana si Kei… Sana si Kei… magkaayos man lang kami bago ang performance namin.

                “Sis! Andito na ang sundo mo!”

                Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Para lang madisappoint…

                “Wow Leigh! Ang cute mo ngayon!” I was wearing a pair of skinny jeans, red fitted sleeveless shirt, at yung mukhang chaleco na mahaba,kung anu man yung tawag dun, na nakapatong sa shirt ko. Si ate ang bumili nun  nung nakwento ko sa kanya  na may sasalihan akong band competition. Ayun, siya ang nagshopping ng outfit.

                “Oo nga. Simple but cute.”

                “Thanks. Si … si Dray at si Kei?”

                “Ah si Dray sinundo yung bestfriend mo si… si…”

                “Lacey.”

                “Oo tama Lacey nga yun. Si Kei naman male-late daw at may aasikasuhin pa kaya pinauna na kami.”

                “Ahhh.” Nakakapanghina naman.

                “Wag kang sumimangot diyan. Dadating naman yun mamaya eh.”

                “Sasakalin namin yun pag di siya dumating. Smile ka na dyan.”

                “Kaya niyo ba?”

                “Hindi… hehe…” natawa na din ako. Ang kulit kasi ng dalawang ‘to eh.

                Konting usap na lang nun tapos konting paalala mula sa family ko and then we’re off. May driver din pala ang mga lalaking ‘to. Sila nakakapgtawanan pa sa sasakyan ako nananahimik lang. Naghalo na kasi yung kaba ko at yung alalahanin ko about the Kei issue. To think na hindi pa kami nakakapag-usap ng araw na ito. Tapos magpeperform ako sa harap ng madaming tao… while wearing a sleeveless top?

                “Waaaah! Gusto ko nang umuwi!!!!”

                Tinignan ako ng mga kolokoy na kasama ko tapos nagtawanan lang.

                “I’m serious.”

                “Relax okay? Hindi ka naman bibitayin dun.”

                “Pwede bang bitayin na lang ako?”

                “Hindi eh.”

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon