Chapter 22

169 6 0
                                    

                Balik ako sa dati kong buhay. Buhay na walang Silently Screaming, walang Dray, Melvin, Jake at KEI. Haizt. Sino bang niloko ko? I’ll never be the same again. Namimiss ko silang lahat at lalo na si…. Alam niyo na kung sino yun.

                Balik ako sa routines ko dati. School at bahay  lang araw-araw. Si Lacey naman hindi na nagtanong pa tungkol sa mga nangari. Ni hindi na niya binanggit pa si You-KNOW-Who at maging yung boyfriend niya. Mabuti naman.

                Matagal ko na ding hindi nakikita sina Melvin at Jake. Something tells me na iniiwasan nila ako. Hindi ako nagagalit sa kanila dahil dun. In fact I consider them as true friends since ginagawa nila yun para hindi ako mailang.

                Ganun ng ganun ang buhay ko hanggang sa mag-Christmas Vacation. Si Kei? Hindi naman maiwasang magkita kami eh yun nga lang nagtitinginan lang kami at naglalagpasan. In my case, ako lang talaga ang lumalagpas sa kanya. Laging ganun kapag nagsasalubong kami. Hindi niya tina-try na habulin ako o kausapin. That puts me to the conclusion na tama lahat ng sinabi ko sa kanya at his birthday party. Which worsens the ache in me. pero ang adik ko talaga. Alam ko na nga yun diba? Tas ipinagdadamdam ko pa? ang timang ko talaga.

                Pero anong magagawa ko eh hindi ko mapigilan. Masisi ko ba sarili ko eh minahal ko nga yun. Haizt.

                At ayun nga. Dumating ang Christmas break na ganun ang takbo ng lahat. Pagkatapos ng Homeroom parties eh nagpaalaman na. natuwa nga ako nung makita ko yung tatlong adik kaya nayakap ko sila eh.

                “Namiss mo talaga kami ah.” At ayun. Tawanan and all. Grabe! Namiss kop ala talaga ang kakulitan ng mga ‘to. Kaya lang may kulang…

                “Si…”

                “Hinatid ni Kei si Kylie sa airport. Ngayon kasi ang alis niya.”

                “Ah… sana sumama na siya diba?” tumawa ako ng pagak. Napaka-fake Carleigh.

                Ngumiti lang sila ng alanganin.

                ***********************************************************

                Bakit ba ko nandito sa mall ng mag-isa? Nagmumukha na naman akong kawawa dito eh. Oo nga pala. Grocery day ko nga pala. Haizt. Pero wala akong ganang mag-grocery eh…

                Nakaupo lang ako ngayon sa isa sa mga bench na nagkalat doon at mukha talagan ang emo ko ngayon. Mag-isa ba naman ako eh tapos ang bigat ng feeling ko.

                Waaah! Carleigh! Move On na nga. Wala namang mangyayari sa kakamukmok ko… Pero mapipigil ko ba kasi ang sarili ko na maging malungkot? Whew…

                Siguro dahil na rin sa pag-iisip ko kaya nagulat na lang ako nung may lumitaw na ice cream cone sa harap ko. Nung tinignan ko kung sino yung may hawak lalo naman akong nagulat.

                “Walang lason yan wag kang mag-alala.”

                “Ian…”

                “Kunin mo na. Pinaghirapan ko pang bilhin yan sa MCdo oh.”

                “Ayan lang naman yung Mcdo sa harap natin eh.” Nagsmile lang siya. Kinuha ko na rin yung ice cream kasi baka mangalay pa siya. Dalawang ice cream pa naman ang dala niya. 

                Umupo naman siya sa tabi ko nun saka sinimulan yung pagkain sa ice cream. Pinanood ko na lang muna siya nun. Napansin niya ata kaya…              

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon