Chapter 7

200 8 0
                                    

Ayun nga, tinuruan niya akong gumamit nung electric guitar at sa awa naman ng Diyos eh hindi naman ako nakain… hehehe… yun nga lang ang daming nangyaring hindi ko maintindiha. Yung certain feeling pag hinahawakan niya ko ng walang malisya(Sa part niya) at yung pagkailang tuwing titignan niya ko kahit mukhang pagalit naman yung tingin niyo.. Wuuuuu! Ang weird!

                Nagtatayuan na lahat sa kanya-kanyang pwesto nun dahil pauwi na kami. Almost 2 hours na din kasi kaming nandito at nagpapakaburo eh.

                Yey! Uwian na! Siguro naman mawawala na yung mga kakaibang nararamdaman at naeexperience ko ngayong araw na ito kapag malayo na ko sa dahilan nun.

                “Bukas na lang ulit mga tsong! Sibat na ko. May date pa ko eh.”

                “Ikaw may date? Woah pare sinong nagkamali?”

                “’lol! Gwapo kong ‘to”

                “Gwapo ka na niyan pare? Hindi halata!”

                “Siraulo! Palibhasa ikaw hindi ka makahanap ng mai-de-date sa pagmumukha mong yan!”

                “Oy! Oy, Jake! Paninirang puri na yan ha! anong walang mahanap. Madali lang yan noh.” Tapos humarap si Melvin sa akin. “Carleigh, date nga tayo para mapatunayan ko dyan sa bugok na yan na di mahirap magka-date.”

                Waaaahhh!!!! Isali daw ba ko sa kalokohan nila. Nananahimik ako eh! Hindi tuloy ako makasagot.

                “Get a life Melvin! “

                “I am, pare! Kaya nga inaaya ko na itong si Ms. Carleigh eh.”

                “I said get a life Melvin, hindi babae.”

                “Bakit ba pangontra ka Kei, kala ko ba hindi mo siya girlfriend...”

                “Hindi nga.”

                “Eh di okay lang na makipag-date ako kay Carleigh.”

                “Hindi pa rin.”

                “Bakit hindi?”

                “Eh sa hindi pwede eh. Nangingialam ka?”

                “Bakit nga hindi pwede?”

                “Kasi ayoko! Okay na ba? Tara na nga.” Then hinila na naman niya ako palabas. Nilingon ko naman yung mga iniwan namin.

                “Barado ka noh? “

                Si Melvin kakamot-kamot lang sa ulo. Si Jake tumatawa lang at si Dray naman nakangiti lang sa akin. Nakakatuwa pala sila. Akala ko talaga masama ugali nila kasi nga dun sa kanina pero okay naman pala sila. Kailangan lang mapatunayan mong worth it ka sa trust nila. Whew! Guys!

                Teka may humihila pala sa akin. Help!!!

                “Teka… teka!! Bat mo ba ko hinihila?”

                Hindi umimik? Wuuuu!

                “Uy Kei teka nga!” nagpumiglas na ako kaya finally eh tumigil din siya yun nga lang di pa rin ako binitawan.

                “What?!” ay galit? Problema nito?

                “B-bakit mo ko hinihila?”

You Rock My World (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon