6

5K 66 0
                                    

Medyo masakit pa ang katawan ko pero pinilit ko ang sarili kong makatayo at makapasok sa klase. Wala nang artehan to. Naging totoo na ei. Kahit napagalitan pa ako ng dalawang abno kong kuya ay wala na rin silang nagawa kundi hayaan akong pumasok sa klase kahit sobrang late na ako. Third Class na ako nakapasok at pagka-pasok na pagka-pasok ko sa classroom ay boom! Lahat ng kaklase ko nakatingin saakin.


Binalewala ko lang sila at dumiretso sa tabi ni Sofie. Kinalabit nya ako pagka-upo ko sa upuan ko at nag aalalang tinignan ako. "Bakit?"


"Nabalitaan namin ang nangyari kanina.." so, tama nga si kuya Tom na kalat na sa buong campus ang ginawa saakin kanina ni Cloe.


"Naku! Wag nyo na isipin yun! Okay lang ako." Tinignan nya ang ulo ko na may benda dahil sa pagkakasabunot saakin, ang paa kong may benda rin pero nakakapaglakad naman ako at ang braso kong may benda rin at nakasabit ito sa leeg ko.


"Okay ka nang lagay na yan?" Kunot-noo nyang tanong saakin. Napabuntong hininga nalang ako at napaiwas na rin ng tingin sakanya. Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Mr. Enriquez at sinabi nyang may meeting silang mga teacher ngunit may ginawa syang by-partner-activity.


"Dahil alam ko na mag-iingay kayo habang wala ako dito. May ginawa akong activity para sainyo by partners. Kailangan nyong libutin ang buong campus. As you can see, maraming halaman sa paligid ng Campus. For our Next Topic in science, maghanap kayo ng iba't ibang klase ng flowers dito sa loob ng campus." Tila parang binagsakan ako ng ilang bato sa ulo at parang gusto ko nalang gumawa ng isang oras na math problem dito sa upuan ko kesa libutin ang buong campus habang ganito ang kalagayan ko. "Girls, bumunot kayo dito ng names para sa magiging partner nyo."


Great. Akala ko pa naman kami ang pipili ng magiging partner namin edi sana si Sofie ang kasama ko sa paglibot ng napakalaking campus na ito. Pumunta na kami sa harapan upang bumunot ng papel. Bumalik ako sa upuan ko at walang ganang binuksan ang papel at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang makakasama ko sa paglibot. Kung minamalas ka nga naman talaga ngayong araw, lalaki pa ang makakasama ko.


Tyrone Park.


"Proceed to your partners girls. And start your activity now." Pagka-labas na pagka-labas ni Mr. Enriquez ay tumayo kaming mga babae at pumunta sa kani-kanilang mga partner.


Pabagsak kong nilapag sa table ni Tyrone ang papel kung saan nakasulat ang pangalan nya. Lalo akong nawalan ng gana.


"Teka, kaya mo bang maglibot? Sure akong masakit pa ang katawan mo dahil sa nangyari kanina. Gusto mo ipaalam kita kay Mr.—" sabi pa nya. Bakit sobrang concern naman ata sya saakin?


"Ang dami mong sinasabi. Tara na." Sabi ko sakanya habang hindi tinitignan ang mata nya. Lumabas na kami ng classroom at inuna ang garden dahil doon ang pinaka-maraming halaman, malamang garden nga ei.


"Sure ka ba talagang kaya mo?"


"Ang kulet? Nakakalakad nga ako diba?" Tinignan ko ang mga bulaklak na nadoon at isa-isang pinitas ang iba't ibang klase noon. Aabutin ko na sana yung sunflower pero hindi ko maabot iyon dahil mataas. Kinuha naman iyon ni Tyrone dahil matangkad sya.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon