"Siopao! Sabi ni Mommy, laro daw tayo sa plaza mamaya kasama mga kuya mo" nakangiting sabi nang batang lalaki saakin. Bungi pa ito at hindi pantay ang bangs. Mahahaba ang pilik-mata at mapupula ang labi, maputi at makinis rin ang balat.
"Talaga? Yehey!! Excited na ako, Ty-ty!" Sabi ko pa habang inaalog-alog ang batang kasama ko.
"Calliy! Ty! Tara na!" Napatingin kaming dalawa doon sa tumawag saamin at nakita ko ang mala-anghel na mukha nung babae na tumatawag saamin.
"Mommy!" Sabi naman ni Ty-Ty at tumakbo papunta doon sa babaeng iyon. Lumapit na rin ako doon.
"Tita Terrice, asaan po si Mommy?" Tanong ko doon sa babaeng maganda na nangangalang "Terrice"
"Ayun oh!" Nakangiting turo nya sa likod ko at paglingon ko...
Nakita ko ang babaeng pinaka-maganda sa lahat, ang babaeng pinaka-idol ko.. babaeng mahal na mahal ko... babaeng ayaw ko mawala sa buhay ko... napangiti ako ng makita sya at tumakbo para yakapin sya.
"Mommy! Gusto ko ng ice cream!" Sabi ko sakanya habang karga-karga nya ako.
"Ocge baby, bibili tayo mamaya. Mamamasyal muna tayo nila kuya mo kasama si Ty-Ty at Tita Terrice, okay?" Napangiti naman ako at tumango sakanya.
"Mommy!" Napatingin kaming dalawa ni Mommy doon sa dalawang panget na tumawag sakanya. Pareho sila ng damit na color blue at hindi mo talaga makikilala kung sino dyaan si Kuya Tom at Kuya Jerry..
"Oh andyaan na pala kayo, tara na" kinuha ni Mommy ang kamay ni Kuya Tom, humawak naman si Kuya Jerry sa kamay ni Kuya Tom habang karga-karga ako ni Mommy.
Sumakay kami sa isang kotse, si Tita Terrice ang nagdadrive, Si Mommy sa passenger's seat habang kaming apat naman sa backseat.
"Siopao, excited na ako mag school!" Nakangiting sabi ni Ty-Ty saakin at napatawa naman ako ng makita ko nanaman ang bungi nyang ngipin.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Yung mukha mo kasi. Ang panget! HAHAHAH!" Asar ko sakanya.
"Waahhh!! Mommy oh!! Si Siopao niaaway ako!!" Sumbong ni Ty-Ty kay Tita Terrice at mukhang iiyak na.
"Calliy!" Suway naman saakin ng dalawa kong kuya napa-pout nalang ako at nakonsensya sa ginawa ko.
"Hahahaha! Ang cute talaga nila, sana maalal pa nila ang isa't isa pag laki, ano?" Rinig naming sabi ni Mommy kay Tita Terrice.
"Oo nga! Bagay sila ei" pagsang-ayon naman ni Tita kay Mommy.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.