Sobrang init ng ulo ko ngayon. Nakakainis! Hindi ko pala nabuksan yung aircon kagabi o baka naman pinatay lang nila kuya? Pakshet sobrang init!! Ayoko pa naman yung gigising ako ng pawis pawis. Nakakairita!
Pabagsak kong binuksan ang pinto at kunot-noong sinigawan sila kuya, "SINONG NAG OFF NG AIRCON?!"
Pareho naman silang nagulat at napatingin saakin. "Aba malay namin sayo. Hindi naman kami pumapasok sa kwarto mo"
Lalo akong nainis. Bakit ba ayaw nilang umamin? Sinamaan ko sila ng tingin at kumuha lang ng gatas tapos bumalik na sa kwarto. Binuksan ko ang aircon at naligo na. Para naman malamigan ang ulo ko at... nanlaki ang mga mata ko ng may biglang pumatak na dugo sa sahig. KAYA NAMAN PAPA E! Bakit ngayon paaaa?!
Kunot noo akong lumabas ng banyo at nagbihis. Buti meron pa akong sandwich dito pero.. isa nalang pala. Paktay tayo neto. Binuksan ko ang pinto at sumigaw,
"KUYYAAAAA!"
Agad naman silang nagtatakbo at pumunta saakin,
"bakit?" Gulo-Gulo pa ang buhok nila at yung uniform nila hindi pa maayos ang pagkakasuot, mukhang nagmadali.
"Bilan nyo ko ng napkin, please" sabay naman silang napatampal ng noo.
"Seryoso? Wala ka na ba dyan?" Tanong ni kuya Jerry
"Meron, isa" pinakita ko sakanila ang hawak kong napkin.
"Yun naman pala ei. Mamaya ka na bumili" ang galing. Sobrang galing! Bakit ba kasi parehong lalaki ang kapatid ko? Wala tuloy akong kadamay pag dating sa ganito.
Naghanda na ako at uminom ng gatas. Nakita kong may tagos ang bedsheet ko kaya lalo akong nainis. Mapapa-laba pa ako neto mamaya! Naiinis na talaga akoo!! Naramdaman ko namang kumirot ang puson ko, great.. sobrang galing!! Kinuha ko na ang bag ko at lumabas.
"Kaya naman pala, mainit ang ulo ang aga-aga" sinamaan ko ng tingin si kuya Tom at tinaas naman nya ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Magbiro ka na sa walang tulog wag lang sa merong dalaw" pareho naman silang tumawa ng sabihin iyon ni kuya Jerry. Ang sarap manapak ng tao ngayon. Kung hindi ko lang yan mga kuya kanina ko pa yan napatay.
Tahimik lang akong nakaupo sa backseat habang ang ingay naman nila sa unahan. Wala akong pake. Basta, masakit ang ulo at puson ko yun na yun!
"T*nginang upuan to, Bakit ganito to?! Ang tigas!" Inis na sambit ko habang pinapalo-palo ang sandalan ng upuan.
"Malala ka na, pati upuan inaaway mo" napa-'aray' naman si kuya Tom ng lumipad ang kamao ko at naglanding iyon sa ulo nya.
Nakarating kami sa school at pabagsak kong sinara ang pintuan ng mustang. Kunot-noo parin akong naglakad papuntang classroom. Nakasalubong ko pa si Kylie na binati ako pero hindi ko sya pinansin. Siguro naman maiintindihan nya ang mukha kong to. Alam nya rin naman ang nararamdaman ko, buwan buwan.

BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.