25

4.4K 105 7
                                    

"BAAAANNNSSSSOOOOOTTTT!!!" Napakunot ang noo ko at napakamot na rin ng ulo. Ang aga-aga ba naman kasi bunganga nanaman ni Kuya Tom ang naririnig ko.


"ANO BAAAAAA?!" Sigaw ko pabalik. Buti nalang at hindi nagrereklamo ang mga kapitbahay namin sa sobrang ingay ng sigawan namin dito. Lumabas ako ng kwarto at kunot-noong hinarap sila.


"Wala lang hehe" sa sobrang inis ko ay hinabol ko sya para batukan. Tumalon sya sa sofa kaya tumalon rin ako. Nang maaabutan ko na sya ay bigla akong napatigil at napatawa ng malakas ng madulas sya at saklap dahil ihi pa ni Chim ang naapakan nya.


"Kuya Jerry!! Ang baboy ni Kuya Tom oh HAHAHAHA" sigaw ko kay Kuya Jerry at napatawa rin sya ng malakas. Dali-dali nyang kinuha ang cellphone nya at pinicturan si kuya Tom na nakahiga sa sahig na may ihi ni Chim.


"Karma is Real" natatawang sabi ni kuya Jerry habang nakatingin sa picture nya sa cellphone.


Sinamaan lang kami ng tingin ni kuya Tom at tumayo na. Sya na rin ang naglinis ng ihi ni Chim at naligo na.


"Kuya, sabi ni Nick.. uuwi na daw sya bukas, mag bonding daw muna tayo." Tumango lang si kuya Jerry saakin at nagfocus na sa pagluluto. Dahil sabado ngayon, fish fillet ang ulam namin with sweet & sour sauce! Oh diba, sherep.. Speaking of Sabado ngayon.. may bigla akong naalala.


Tumakbo ako papasok ng kwarto at tinignan ang phone ko. Gaya ng inaasahan ay may text nga mula sakanya.


From: Charlie.

Gising naaa.. may samgyup tayo ngayon, baka nakalimutan mo naa. Punta na ako ah.


Yung message na iyon ay 8:40 nya tinext saakin. Tapos anong oras na ngayon, 9:30! Napakagat ako sa labi ko at dali-daling pumasok ng banyo. Siguro doon nalang ako kakain. Hayysstt, sarap pa naman ng ulam ngayon. Mga 40 minutes lang ako naligo, nagbihis, nagtoothbrush at nagmake-up ng onti. Sabi kasi ni Kylie, matuto daw akong mag-make up kahit simple lang dahil magiging adult narin kami dahil ga-graduate na rin. I'm wearing a black fitted cocktail dress at simple lang naman ito. Baka sabihin aattend ako ng Js Prom -_-. Excited kase maging adult ei. Nagsuot ako ng sandals, ayoko mag heels. Nah, Never! Kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto.


Nakita ko naman ang nanlalaking mata ng dalawa kong kuya, "Calliy, Ikaw ba yan?" Sabay nilang tanong na ikina-irap ko lang.


"Hindi muna ako makaka-kain ngayon ng almusal. I have plans" sabi ko sabay kindat sakanila.


"Babaeng-babae ah" inikot ko lang ang mga mata ko at lumabas na ng bahay. Pero, bumalik rin at kiniss silang dalawa sa cheeks na ikinagulat naman nila. Nag-pacute pa ako lalo. 


"Pwede hiramin yung mustang?" Sabay puppy eyes.


"No!/Hindi!" Napa-pout naman ako.


"Please?"


"Kahit na marunong ka na mag-drive at may lisensya ka na. Nah" sabi ni kuya Tom na ikina-sama ng mukha ko.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon