Dalawang araw... Dalawang araw ako nagkasakit, Dalawang araw ako hindi pumasok.. at sa dalawang araw na iyon para akong binagsakan ng malamig na tubig dahil ang damo kong namissed na mga lessons. Punyetang sakit naman kasi to. Pero, okay na rin naman. Gusto ko rin naman mapagisa kahit dalawang araw lang.
Bumangon na ako at naligo. Friday ngayon kaya bukas wala nanamang pasok, oh diba? Ang galing. Pagtapos kong maligo ay nagbihis na ako ng Uniform at nag-hoodie. Medyo masama pa kasi ang pakiramdam ko pero sapat na yung dalawang araw na pag papahinga ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakita sila kuya na naghahanda ng almusal.
"Oh? Kala ko ba di ka papasok?" Tanong ni Kuya Tom saakin pero inbis na sagutin sya ay umupo nalang ako sa mesa.
"Kaya mo na ba?" Tanong naman ni kuya Jerry. Tumango nalang ako dahil hanggang mamaya pa yang mga tanong na yan.
Kumain na kami at binuksan ni kuya Jerry yung TV para manood pero biglang sumingit ang balita.
"Mamayang 8pm, makakakita kayo ng Meteor Shower—"
"Paano yung mga lessons mo? Kanino ka mag papaturo?" Biglang tanong ni kuya Tom.
"Try kong humingi ng lessons kay Ms. Salazar, pag hindi pwede kokopya nalang ako ng notes sa kaklase ko." Btw, sinong kaklase? Wala naman akong close doon maliban kay Sofie, Kurt at Tyrone. Eh wala si Sofie dahil nga nasa ospital sya, si Kurt naman anong aasahan ko doon? Hindi naman yun nagsusulat ng notes at si Tyrone...
"Bilisan mo na kumain. Male-late na tayo." Sabi ni kuya Jerry at nilagay sa lababo ang plato nya. Nagkatinginan kami ni kuya Tom dahil sobrang seryoso ata ni kuya Jerry ngayon? Anong meron?
Matapos kumain ay nagtoothbrush na ako at kinuha ang bag. Kiniss ko sa noo si Chim at lumabas na kami. Nang makasakay sa mustang ay tinignan ko si Kuya Jerry sa rear mirror. Seryoso talaga sya, kanina pa yan. Kinalabit ko sya at hindi man lang sya lumingon.
"Oh?"
"Ang seryoso mo ata?" Tinignan nya lang ako sa rear mirror at pinaandar na yung sasakyan. Anong ginawa kooo? Bakit nya ako tinitignan ng ganun? Waaahhh!!
Nakarating kami ng School ng hindi nagiingay. Kahit si kuya Tom ay nanahimik na rin dahil nga alam nyang seryoso si kuya Jerry. Ewan ko ba dun, meron ata ngayon.
Didiretso na sana ako sa classroom pero nakasalubong ko si Cloe at sinadya nyang banggain ako. Pero, nakuha kong ibalance ang sarili ko para hindi ako mahulog sa maling tao, charowt. Tatawa na sana sya dahil sa ginawa nya pero biglang sumingit yung dalawa kong kuya sa harapan ko para takpan nila ako mula kay Cloe.
"Oh nandito nanaman pala kayo. Kelan nyo ba ako tatantanan?" Feelingera amputa. Ang sarap sampalin sa magkabilang pisngi.
"Eh ikaw? Kelan mo tatantanan ang prinsesa namin?" Tanong naman ni kuya Tom sakanya. Yan nanaman sa prinsesa na yan.

BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.