5

5K 85 1
                                    

Umiiyak ako sa harapan nila kuya ngayon. Hindi yung literal na iyak kundi yung nagiinarteng iyak. Sobrang sakit ng paa ko dahil nga nahulog ako sa hagdan kahapon dahil sa pagmamadali. Bakit? Kasi nagulat ako ng biglang sumigaw ang dalawa kong abnong kuya yun pala may ipis lang. Kaya ngayon, pinipilit nila akong maglakad papasok ng school.


"Hindi ba kayo makaintindi? Sabing di ko nga kaya maglakad!" Pagiinarte ko pa. Sa totoo lang kaya ko namang igalaw ang paa ko wag nga lang masyado dahil baka mapilay pa ako. Pero, ngayon? Ayoko talaga maglakad nakakatamad.


Naguguluhan kong tinignan si Kuya Jerry ng tumalikod sya at lumuhod sa harapan ko. "Sakay na. Dami mong arte male-late pa tayo ei" napangisi naman ako sakanya.


Binigay ko kay kuya Tom ang Backpack naming dalawa ni Kuya Jerry at sumakay na sa likod nya. "Hindi naman ako mabigat diba?" Sweet kong tanong kay Kuya Jerry.


"Nako. Kung ako sayo Jeremy, mas pipiliin ko nalang magbuhat ng isang sakong bigas kesa buhatin yang damulag na yan." Inabot ko ang uluhan ni Kuya Tom at binatukan sya.


Naglakad na kami este sila pala papasok ng school. Kahit pinag titinginan kami ng mga estudyante sa loob ng campus ay wala akong pakielam. Ngayon nalang ulit ako nakapag-piggy back kay Kuya Jerry kaya susulitin ko na, hehe. Napasimangot naman ako ng marinig ang bulungan sa paligid.


"Anong kagag*han ang nangyayari?"


"Bakit sya naka-pasan kay Baby Jeremy ko?" Yayks?


"Pinapahirapan nya ang bebe natin! Pinagbuhat nya pa si Tommy ng backpack!"


"Hindi kaya may relasyon between them?"


"What the fvcking heck?" Malutong na mura ko. Nakakainis. Napaka-judgemental nila. Husga sila ng husga saakin without knowing kung sino ba talaga ako. Matagal na akong nag aara dito sa CU pero hindi parin ako kilala ng mga estudyante dito bilang kapatid nila kuya. Myghad!


"Wag ka nga magmura, Calliy!" Suway saakin ni Kuya Jerry.


"Paanong hindi? They think that we're in a relationship! Like, the heck?" Naiirita kong sabi sakanya. Kahit kelan di ko maimagine na ganun ang sasabihin saamin ng mga tao.


"Yan. May issue tuloy. Napaka-arte kase netong babaeng to ei." Naka-dalawang batok na ako kay Kuya Tom. And here it goes the gasps.


"What? Did he hurt my Babe?!"


"Bakit nya binatukan si Tommy?! How dare she!"


Nagulat nalang ako ng may biglang humila ng buhok ko dahilan para mahulog ako sa sahig at mawala sa pagkaka-pasan kay kuya Jerry. Nanlalaki ang mga mata nilang dalawang nakatingin doon sa babaeng gumawa saakin nun.


"Why did you do that?" Kunot-noong tanong ni Kuya Jerry sakanya.


Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon