24

3.8K 78 1
                                    

Nagising ako ng makaramdam ng gutom. Pagdilat ko ng mata ko ay nanlaki ito at muntik nang mapasigaw. Bakit kami nasa iisang kama? Magkayakap? At halos magdikit na ang mukha? Watdapak? Tatayo na sana ako pero bigla akong napatigil nang mapatulala sa mukha nya. Ang himbing ng tulog nya.. napaka-swerte ko sa totoo lang.. dahil meron akong boybestfriend na gaya nya..


Nagulat ako ng bigla syang ngumiti at nagsalita, "Baka matunaw naman ako sa titig mo"


Hindi ko alam pero biglang uminit ang mga pisngi ko at napaiwas ako ng tingin. Kanina pa ba sya gising?? O sadyang nagising lang sya dahil sa titig ko?? O  baka naman nagpapanggap lang syang tulog?? Nakakahiya!!


"N-Nagugutom ako.." sabi ko at bumangon. Nag-unat naman sya at kinusot-kusot ang mga mata.


"Magluluto ako" sabi nya at patalon na lumabas sa kwarto. Napangiti naman ako, hindi parin nawawala ang pagka-isip bata nya. Kinuha ko ang phone ko sa sidetable at nanlaki ang mga mata ng makitang tinadtad nila kuya Jerry at Kuya Tom ako ng text. Paktay..


Tumayo ako at kinuha ang toothbrush sa backpack ko. Yeah, lagi ko dala ang toothbrush ko kahit san man ako magpunta. Dumiretso ako sa banyo ng kwarto ni Tyrone at nagtoothbrush doon. Kumuha naman ako ng sandwich at nagpalit narin. Laking trabaho talaga pag meron...


Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ko... umupo ako sa kama at kinuha ang picture namin ni Ty sa side table. Kung pwede lang talaga ibalik ang nakaraan.. yung bata palang kami, naglalaro pa kami sa plaza, walang problemang dinadala at tanging mga laruan lang namin ang pinoproblema namin dahil pinagaagawan namin ang mga iyon, at mga panahong nandito pa si mommy sa tabi namin. Miss na miss ko na ang dati... pero, alam ko naman na hindi na pwedeng mangyari ang lahat ng pinapangarap ko.. okay na rin at nandito sila kuya, sila ate Sarah at ate Abby, sila Kylie at Kurt, si Tyrone.. at alam ko namang kahit wala si mommy sa tabi ko, lagi parin syang nandito sa puso ko para suportahan at i-cheer up ako.


"Hoy Siopao! Tara na" napatingin ako sa pinto ng tawagin ako ni Ty. Binaba ko naman ang picture frame sa side table at sumunod na sakanya.


~•~•~•~•


Natapos kaming kumain ni Ty ay nag paalam na rin ako na uuwi na dahil nga alalang-alala nanaman yung dalawang abno sa bahay. Naglakad nalang ako since malapit na rin naman ang bahay namin dito. Habang naglalakad pauwi ay may nakasalubong akong linta. Este, nakasalubong ko si Cloe. Mukhang hindi nya ako nakita dahil diretso ang tingin nya at mukhang nagmamadali. Gusto ko sanang gumanti sakanya kaso, tinatamad ako. Maybe next time? Sa harap ng maraming tao.


Nakauwi ako ng bahay at— "A-ARAY!" Sigaw ko at napaiyak sa sobrang sakit. Pagpasok ko ba naman kasi ng pinto at binato ako ng kaldero sa ulo.


"San ka umuwi, babaita ka? Hindi ka man lang nag tetext o kahit reply man lang!" Sigaw ni Kuya Tom saakin na syang nagbato saakin ng kaldero.


"Alam mo bang pinag-alala mo kami ng sobra? Hindi kami nakatulog kagabi! Hindi namin alam kung saan ka hahanapin! Pati si Tyrone hindi namin macontact!" Kahit si Kuya Jerry ay hindi na rin nakapag-timpi at sumigaw na rin.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon