Nakasubsob lang ako sa desk ko habang nakikinig sa earphones. Hanggang ngayon ay wala parin akong kasama pumasok sa school at sa bahay. Sa paguwi naman ay okay lang dahil hinahatid muna ako nila Tyrone at Kurt. Sumandal ako sa bintana at tumingin sa malayo. Namiss ko na sila kuya.. ilang araw na rin na hindi pa sila umuuwi, uuwi nga sila para maligo pero pag nasa school naman ako... ilang araw na rin na kaming dalawa lang ni Chim ang natutulog sa bahay.
"Drama Queen." Napatingin ako kay Kurt ng sinabi nya iyon pero agad rin namang ibinalik sa bintana ang tingin ko.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko at nakasulat doon ang pangalan ni Sofie. Agad akong lumabas ng classroom at sinagot iyon.
"Hello, Sofie? Napatawag ka?" Nakita ko si Tyrone sa di kalayuan at... may kasama syang babae. Magka-holding hands sila at masayang nag uusap. Mukhang sobrang saya nilang dalawa habang nag uusap. Kinurot pa nung babae yung pisngi ni Kupal, ang sweet nila tignan.
"Hello Calliy?" Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Sofie sa kabilang linya.
"Oh ano? Eh este bakit?"
"Nakita ko mga kuya mo dito sa canteen ng Hospital. Anong ginagawa nila dito?"
"Ehh.. naaksidente kasi yung 'Girlfriend' ni kuya Tom kaya ayun.. binabantayan muna nila."
"Ahhh ganun ba? Cge, baka nakakaabala ako. Punta ka dito mamaya ah?"
"Oh cge." Binaba nya na ang tawag at nakatingin parin ako kay Tyrone at dun sa babae. Nakatalikod yung babae saakin kaya di ko makita ang itsura nya.
Napasigaw ako sa gulat ng may biglang humablot ng buhok ko at dinala ako sa isang room na walang tao. "You b!tch" tawag nya saakin at boses nya palang ay kilala ko na kung sino sya.
"I have a name, don't call me b!tch, we're not the same." Sabi ko pa sakanya habang hawak-hawak parin ang buhok ko.
"Sabihin mo saakin, may Girlfriend na si Tommy?" Nanggigigil nyang tanong saakin habang ako naman ay napa-smirk. Didn't mind the hurt i'm feeling right now.
"What if i say yes? What would you do? Aagawin mo ba sya?" Sabi ko habang may nakakainis na ngisi.
"Of course not! Nandyan pa naman si Jeremy eh! Basta, mahal ko pa si Tommy." Naka-pout nyang sabi habang lalo namang hinigpitan ang pagkaka-hawak sa buhok ko.
"Look, sino ang two timer saatin ngayon?"
"Ikaw nga tong landi ng landi kay Tommy eh may girlfriend na pala sya!"
"Hindi ko sya nilalandi!" Sigaw ko sakanya dahilan para mapabitaw sya sa pagkakahawak sa buhok ko. Akala ko aalis na sya, pero.. she just gave me a hard slap and i tasted ny own blood.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.