"Bansot, Gising na! Male-late pa tayo nyan ei!"
"Eto na!" Sigaw ko pabalik sakanila. Tinignan ko ang alarm clock ko at 5:05 palang naman. Humikab muna ako bago tumayo at pumasok sa banyo.
Ngayon ang first day of school namin ngayong school year. Sa totoo lang, medyo naninibago pa ako dahil sanay akong gumising ng tanghali na. Pero, sa monday to friday ba naman na gigising ng tanghali baka masanay na ulit ako. Haayst... marami nanaman akong makikitang lalaki doon. Wala kasing para saakin na school dito ei. Yung puro babae lang?
Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko na yung Uniform namin. Blue ang kulay nun at para syang jumper na palda. Tapos sa loob ay Polo Shirt. Sinuot ko na rin ang long socks ko at black shoes. Nag pulbo at ayos lang ako ng buhok tapos kinuha ko na ang backpack ko na kakabili lang nung nakaraang linggo.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nadatnan sila Kuya na naghahanda ng almusal namin. Tutal hindi pa naman ayos ang lahat ay pumunta muna ako sa sofa kung nasaan si Chim at nilaro sya doon.
"Doon pa rin ba ang Classroom nyo?" Biglang tanong saakin ni Kuya Tom habang kumakain kami ng Bacon with Rice. Oh diba? Sherep.
"Sa kabilang building na kami malapit sainyo. Kaya madali ko nalang kayo kuhanan ng pera hihihi" asar ko sakanila at binatukan lang nila ako na ikina-pout ko naman. Pinag patuloy ko nalang ang pagkain ko at umalis na kami.
"Baka kung anong mangyari kay Chim sa bahay.."
nagaalalang sabi ko sakanila. Iniwan kasi namin si Chim sa bahay dahil bawal ang aso sa CU.
"Kaya nga aso diba? Bantay ng bahay." Sabi naman ni Kuya Jerry.
"Hello? Ang liit liit pa ni Chim. Baka inbis na itaboy nya ang mga masasamang tao na pupunta sa bahay eh baka sya pa ang mataboy."
"Edi dapat sinama mo."
"Kung pwede nga lang ei" huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana. Pagka-dating namin sa CU ay agad na pinark ni Kuya Jerry ang mustang namin sa parking lot at hinatid muna ako sa building namin.
"Umayos ka, Bansot ah." Paalala saakin ni Kuya Jerry na ikinatango ko naman.
"Kapag wala ka pang makilalang kaibigan, sumabay ka nalang samin mamayang lunch. Okay?" Sabi naman ni kuya Tom na ikinatango ko ulit. Para tuloy akong bata na pinagsasabihan ng mga magulang nila na magtino at makinig sa teacher. Tinap lang nilang dalawa ang ulo ko at tuluyan na akong pumasok.
Medyo marami na ring estudyante ang narito kaya onti nalang ang bakanteng upuan. Nakita kong may isang babaeng kulot, maitim at may salamin na malungkot na nakupo sa isang tabi. Mukha syang lonely kaya naman umupo ako sa tabi nya na ikinagulat naman nya.
"Okay lang ba na dito ako umupo?" Nakangiti kong tanong sakanya. Nag pilit naman sya ng ngiti at tumango bago nagiwas ng tingin. "Uhhmm.. okay ka lang ba? Mukha ka kasing malungkot"
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.