10

4.5K 55 0
                                    

"Si Abby...."


"Ano nangyari kay Ate, Kuya?" Nagaalala kong tanong.


Lalo namang humigpit ang pagkaka-yakap nya saakin at lalong lumakas ang hagulgol nya. "Si Abigail, Calliy.."


"Ano nga?" Nagstart na rin akong lumuha dahil alam ko na ang kasunod na sasabihin nya.


"Si Abby.." yun lang ang lagi nyang sinasabi hanggang sa dumating na rin si Kuya Jerry at si Ate Sarah.


"Ano nangyari?" Tanong nila saakin.


"Si Abby.." gusto ko nang sapakin si kuya Tom. Sino ba namang hindi maiinis? Puro sya "si Abby" di nalang nya sabihin ng direkta saamin.


"Hoy Tommy, sabihin mo nga saamin ng maayos." Seryosong sabi ni Kuya Jerry pero alam kong kinakabahan na rin sya dahil sa kilos ni kuya Tom.


"Tommy, sabihin mo na.." nagmamakaawang sabi ni ate Sarah sakanya at naiyak na rin. Of course! Ate Abby is her bff!


"Si Abby..." lahat kami ay inintay ang sunod nyang sasabihin. Yumuko sya at bumuntong hininga sabay sabing...


"Okay na sya. Ililipat na daw sa hospital room." Sabi nya at tumawa ng malakas. Nagkatinginan naman kami nila Kuya at hindi na ako nakapagpigil kundi sinapak sya sa braso. "Aray! HAHAHAHAHA"


"Ang lakas ng tama mo, pre?" May halong inis na sabi ni kuya Jerry sakanya dahil pati sya ay napaniwala nito.


"Mabuti pa.. pumunta na tayo sa room ni Abby.." sabi ni Ate Sarah na sinang-ayunan naman nilang dalawa. Nagsimula na silang maglakad pero napatigil yung dalawa kong kuya ng hindi ako sumunod.


"Susunod ako mamaya.." sabi ko sakanila at tinignan si Charlie na kanina pa pala nakatingin saakin.


"Tawagan mo nalang ako." Sabi ni kuya Jerry.


"I don't have any phone.." napatampal silang dalawa sa noo nila ng sinabi ko iyon. Tumango nalang sila at pumunta na sa room ni ate Abby.


"Is that Tommy and Jeremy?" Biglang tanong saakin ni Charlie ng makaalis sila.


"Uhhmm yeah?" Paano nya nalaman? Kilala nya kaya sila kuya?


"Kaano-ano mo sila?"


"They're my brothers." Walang ganang sagot ko sakanya. Why am i answering his stupid questions?


"Wtf!" Nagulat ako ng bigla syang mag-mura. "I can't believe it! Milk Potao Mochi has a Popular Brothers!"


Napairap nalang ako sa hangin at umupo ulit sa bench kung saan sya naka-upo. Seriously, gusto ko nang umuwi ngayon. Sure akong umiiyak na ngayon si Chim dahil gabing-gabi na at wala pa syang kasama sa bahay, plus my phone!

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon