Pauwi na kami at nagpaiwan na si Charlie sa Cafè na pinag-stop over namin kahapon dahil naiwan doon ang motor nya. Sunod naman naming inuwi ay si Kylie dahil mas malapit ang bahay nya. Sunod, ako..
"Thank you ah. Naging masaya ako kahit na napilitan lang naman talaga ako sumama" nakangiti kong sabi sakanilang dalawa.
"No problem!" Sagot naman ni Kurt. Bumaba na ako at sumunod naman saakin si Kupal. Kinuha nya ang bag ko sa compartment at sumama sa loob ng bahay.
"Wala mga kuya mo?" Iling lang ang sinagot ko sakanya.
"Pauwi na rin yun." I lied.. kasi susunod ako sa restaurant. Ayokong malaman nya ang buhay ko. Baka kaawaan nanaman nila ako. Na lumaki ako ng walang magulang at tanging sila kuya lang ang nagalaga saakin.
"O sya, uuwi na rin ako." Akala ko ay tatalikod na sya pero nagulat ako ng bigla nya akong halikan.... sa pingi lang syempre. "Bye"
Lumabas na sya at narinig ko namang umandar na ang kotse ni Kurt pero hindi parin ako makapaniwala. Humarap ako sa salamin at nanlaki ang mga mata ng makitang pulang-pula ang mukha ko. Napatingin naman ako sa tutang nasa paanan ko. Kinarga ko sya at niyakap.
"I miss you, baby.." kiniss ko sya sa noo at nilaro muna sya saglit dahil alam kong namiss nya rin ako. Tinext ko sila kuya na nasa bahay na ako at maliligo nalang.
Pagtapos magbihis ay nagpaalam muna ako kay Chim na saglit na aalis muna. Ni-lock ko ang bahay at nagabang ng taxi sa kanto. Habang nagaatay ay may biglang humintong mamahaling sasakyan sa harapan ko at bumaba ang bintana nito sa driver's seat.
"San punta mo?" Nakangising tanong nya at nanlaki naman ang mga mata ko ng makilala sya.
"Hoy!" Natawa naman sya ng makita ang reaksyon ko. Sumakay ako sa passenger's seat kahit hindi nya sinasabi. Pabagsak kong sinara ang pinto dahil sa excitement.
"Dahan-dahan! Bagong-bago ang kotse ko oh!" Reklamo nya pa at pinaandar na ang kotse
Napa-'aray' naman sya ng sinapak ko sya sa braso pero mahina lang. "Hindi ka man lang nagsasabi na nakauwi ka na pala dito sa Pinas!"
"Hahahaha! Pinapunta ako ng mga kuya mo dahil kailangan nyo ng poging pinsan" nakangising sabi nya pa na ikinairap ko nalang
"So, doon ka rin pupunta?" Tumango naman sya. "Totoo kaya yung sinabi ni kuya Jerry na hindi nag committed si Mommy ng suicide?"
"Ewan. Malalaman natin mamaya"
"Atsaka, bakit ngayon lang? 11 years na matapos nangyari iyong aksidenteng yun. Tapos ngayon lang nila iimbestigahan?" Kunot-noo ko pang tanong sakanya.
"Pwede ba? Wag ka sakin magtanong. Wala akong alam, atsaka.. hindi ko nga alam kung bakit ako pinapunta nung dalawang tukmul" inirapan ko nalang sya. Pupunta ba sya doon ng wala syang alam? And hindi naman sya papapuntahin doon nila kuya kung wala syang maiiambag na tulong.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.