16

4.2K 64 2
                                    

Lahat sila ay tulog na ngayon... hindi man nila naayos ang kotse ay nakuha pa nilang matulog.. nako naman! Paano kung hindi na kami makaalis dito? Kanina ko pa pinapaantok ang sarili ko pero hindi talaga ako nakatulog. Chineck ko sa phone ko, 3:48 na nang madaling araw. Pero, hindi parin ako makatulog. Yakap-yakap ko na ang unan na bigay saakin ni mommy at lahat lahat hindi pa ako makatulog.


Napagdesisyunan kong lumabas muna ng kotse at magpahangin. Wala naman sigurong multong magpapakita dito, ano? Sumampa ako sa kotse at umupo sa bubong. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko si Kuya Jerry. Alam kong hindi nya kami jino-joke na nag dadrama sya. Alam kong hindi yun ang dahilan nya kung bakit sya tahimik at hindi namamansin. At nung naguusap sila kanina este kahapon ni kuya Tom, sobrang seryoso nila. Alam kong may problema, ayaw lang nilang sabihin saakin.


Muntik na akong mahulog ng makarinig ako ng tahol ng aso. At nakita ko nga ito sa baba ko, isang golden retriever na aso. 


"Hey lil guy, are you lost?" Tanont ko kahit alam kong hindi sya sasagot.


Naalala ko tuloy si Chim. Siguro naman itatabi iyon nila kuya sa pagtulog. Subukan lang nilang hindi itabi si Chim, makakatikim talaga sila ng batok saakin.


"DIEGO!" Napatingin ako doon sa sumigaw at tumahol naman ang aso na nasa harapan ko ngayon. Mukhang amo nya ang tumatawag sakanya.


Kahit madilim ay natanaw ko ito dahil sa maputing balat. Nang makita nya ako ay binanggit nito ang pangalan ko na nakapag-taka saakin. 


"Calliy?"


"Kilala mo ako?"


"Of course! Ikaw yung ex ni Von diba?" Napakunot ano noo ko. At doon ko lang naalala at nakilala sya..


"Prince?"


"Yun oh! Akala ko di mo na ako makikilala" napababa ako sa kotse ng makilala sya.


"Kamusta ka na? Ang tagal na rin nung naka-graduate tayo ng highschool"


"Hahaha! Oo nga eh, ayos lang naman ako. Dito na ako nakatira sa Probinsya namin, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Ang layo naman ata ng narating mo?"


"Ahh.. nag roadtrip kase kami ng mga kaibigan ko" yung isa lang hindi. "Tapos nasiraan kaya ayun... dito na kami nag palipas ng gabi,"


"Ahh ganun ba? Wag kayong magaalala. Malapit lang naman ang bahay namin dito, pwede ko kayong tulungan." Napatango naman ako sakanya at nginitian. 


"Uhhmm? Calliy?" Naguguluhan ko syang tinignan at tinuro ang likod ko.


Pag tingin ko ay napasigaw ako sa gulat. "Bakit ka ba nang gugulat?"


Napa-kibit balikat naman sya saakin. "Hindi ako nang gugulat, ikaw ang kusang nang gulat."

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon