Uwian na at napagdesisyunan kong bumisita kay ate Abby at para narin mapuntahan ko si Sofie. Nagulat ako ng may biglang umakbay saakin at sino pa ba?
"Bitawan mo nga ako—"
"Wag kang lilingon sa likod." Seryoso nyang sabi habang diretsong nakatingin sa daan.
"Huh? Bakit naman—"
"Sabing wag ka lilingon sa likod ei" hinawakan nya ang mukha ko at tinignan ako mata sa mata. "Wag mo sila pansinin.." nagulat ako sa ginawa nya dahil bigla nya akong kiniss sa ilong. Anong nangyayari sa kupal na to?
"Uhhmm..??"
"Let's go babe.." nakangiti nyang sabi saakin at hinawakan ang kamay ko. What the fvck is happenning? Pasimple akong sumulyap sa likod and he's right dapat hindi na ako tumingin. "Uuwi ka na ba? Hatid na kita." Tanong nya ng makapunta na kami sa harap ng kotse nya.
"Bibisita ako sa ospital. Nandoon sila kuya" tumango naman sya at pinagbuksan ako ng pinto. Habang nasa byahe ay tinawagan ko si Kuya Tom.
"Kuya, papunta ako ngayon dyan"
"Ocge.. antayin ka namin.."
"Ako nalang muna magbantay sakanya. Umuwi muna kayo at maligo."
"Pero—" bago pa sya makapag-salita ay inend ko na ang call.
"Sino yung na-ospital?" Tanong ni Kupal habang seryosong nagmamaneho.
"Yung Ex ni Kuya Tom, nasagasaan kagabi sa harap ng bahay namin." Sabi ko habang may hinahanap sa phone ko. "What's wrong with those girls?"
Napatingin sya saakin pero tumingin rin agad sa daanan. "Sabi ko wag ka lumingon, ang kulit talaga ng pisngi mo!" Luh? Anong koneksyon ng pisngi ko sa paglingon?
"I'm so curious! Ikaw ba naman ikiss sa ilong at akbayan ng walang dahilan di ka maguguluhan?" Inis na tanong ko sakanya at napa-tulala ng mapagtanto ang sinabi ko.
"So.. ibig sabihin, kinilig ka dun?" Nakangising tanong saakin ni Tyrone.
"NO!" sigaw ko at umiwas ng tingin.
"Sus.. kiss lang sa ilong yung ginawa ko. Ikaw nga kiniss mo pa ako sa labi—"
"STOP IT!" Sigaw ko nanaman at tumawa sya ng malakas. "First of all, hindi yun kiss! Mouth-to-mouth ang tawag dun!"
"Kahit na.. your lips touched mine, so.. ganun na rin yun" nakangising sabi nanaman nya. I hate him!
"Dapat nga nagpapasalamat ka pa saakin dahil kung hindi ako marunong lumangoy edi patay ka na sana ngayon."
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.