Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari kahapon. Hindi talaga nagkakamaling pasayahin ako nung dalawang abno na yun. Haaayy... napasibangot naman ako ng marinig ang katok at sigaw nung dalawa kong kuya.
"Bansot!!! Gumising ka!! Tumae nanaman si Tubol!!" Napakunot ang noo ko. Hindi ba talaga sila marunong maglinis ng dumi ng aso?
"Eto na!" Sigaw ko naman sakanila. Saglit akong pumunta sa CR para maghilamos at mag toothbrush. Sure naman akong makakapaghintay naman yung dumi ni Chim diba?
Lumabas na ako ng kwarto ko at natawa sa itsura nilang dalawa pati si Chim. Pare-pareho silang naka-tingin sa dumi ni Chim. Hahahahaha potek!
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Tanong ni Kuya Tom
Umiling lang ako atsaka sinimulang linisin ang dumi ni Chim. Kahit kelan talaga napaka-baboy netong dalawa kong kuya. Nang matapos ko nang linisin ang dumi ni Chim ay tinapon ko na yun sa trashcan sa labas at naghugas ng kamay.
"Anong almusal?"
"Tae ni Tubol." Sagot ni Kuya Jerry.
"ANG BABOY MO!" sigaw namin ni Kuya Tom sakanya at binato sya ng unan.
"Ahh.. Gusto nyo ah?" Nakangising tanong nya at kumuha na rin ng unan at nag pillow fight kami sa sofa. Napangiti ako ng nakikisali rin si Chim sa harutan naming tatlo. Panay lang ako palo ng palo ng unan sakanilang dalawa at ganun rin naman ang ginagawa nila. Hanggang sa napagod kami at napasandal nalang ako kay Kuya Jerry habang umulo naman sa tiyan ko si Kuya Tom.
"Namiss ko to.." wala sa sariling sabi ni Kuya Tom. Napangiti rin ako at ginulo ang buhok nyang naka-ulo sa tiyan ko.
"Sana lagi tayong ganto.. kahit sobrang dami nating problema, kahit wala tayong magulang.. masaya parin." Sabi naman ni Kuya Jerry.
Sa totoo lang, naiiyak na ako kaya ako naman ang nagsalita.. "Ang drama nyo! Gutom na ako!!"
Pareho naman silang natawa at pumunta na sa kusina para mag luto. Habang naiwan naman kaming dalawa ni Chim na nakahiga doon sa Sofa.
Kasalukuyan akong nanonood ng TV habang nakahiga sa sofa nang biglang may mag doorbell. Since busy yung dalawa sa kusina ay ako na ang nagbukas ng pinto. Its the Mailman. Umiwas ako ng tingin ng makitang lalaki sya. Kinuha ko nalang ang mail namin ng hindi parin sya tinitignan at agad na sinara ang pinto. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nag kakaganun. Phobia sa mga lalaki? Yayks.
Umupo ako sa sofa at binasa ang mail.
"Mga kuyang abno! Pwede na daw mag entrance exam sa CU!" Sigaw ko sakanila kahit medyo malapit lang kami. Nakita ko namang sabay silang tumango. Kaya naman nahiga nalang ulit ako at binato sa center table ang mail.
May narinig naman kaming tunog ng phone at agad agad akong pumasok sa kwarto ko. Tama nga, saakin yun. Kinuha ko ang Iphone 11 na regalo sakin nila kuya kahapon at tinignan kung sino ang tumatawag. Unknown Number.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.