Maaga akong nagising at boom! Sabado pala ngayon. Napatampal ako ng noo ng maalala iyon. Agad ko namang in-off ang alarm ko at natulog ulit. Pero, hindi na talaga ako makatulog.. jeezz!!
Pumasok ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Paglabas ko ng kwarto ay sumalubong saakin si Chim at mukhang hyper na hyper sya ngayon.
Sa wakas, naka-bawi rin ako ng tulog. Haaay.. nagluto ako ng sunny side up egg at sinangag. Yun lang talaga ang favorite kong ulam pag umaga since walang bacon.. itlog nalang muna. Binigyan ko na rin si Chim ng milk at ng dog food. Binuksan ko ang TV at natapat iyon sa balita.
"Chim, gusto mong mamasyal mamaya?" Tanong ko sakanya kahit alam ko naman na hindi sya sasagot pero napangiti ako ng tumingin sya saakin saglit at binalik sa pagkain ang atensyon.
Matapos kumain ay naghugas ako ng plato at pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto sa veranda at nangatog ako sa sobrang lakas ng hangin. Hindi naman makulimlim pero bakit ang lakas ng hangin? Nagbihis ako ng shorts at hoodie at nagsuklay. Kinuha ko si Chim at nilagyan sya ng tali.
Lumabas na kami ng bahay at napagdesisyunan kong sa plaza nalang kami maglakad-lakad. Habang naglalakad kami ni Chim ay aksidenteng may nakabungguan akong babae na may dalang ice cream at natapon iyon sa hoodie ko. Watdapak...
"Ano ba yan! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan ei! Look, napaka-mahal kaya ng ice cream ko!" Sigaw nya saakin at nagulat ako. Sya pa talaga ang may karapatang magalit ah? Actually, wala naman talaga kaming karapatang magalit dahil aksidente ang lahat. Pero, nagbigay sya ng dahilan saakin para magalit ako.
"Eh paano naman yung hoodie ko na namantyahan mo? Napaka-mahal rin nitong hoodie ko!" Sigaw ko pabalik sakanya.
"Well, that's your fault, bitch! Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!" I just rolled my eyes at her. Pangalawang beses na akong nasabihan ng "bitch" at kung kasama ko lang sila kuya ngayon? Malamang nag ka-eskandalo na dito.
Balak nya sanang itapon saakin yung ice cream na hawak nya pero may kamay na pumigil sakanya. "Kylie, you should stop. Wala ka nang magagawa dahil natapon na ang ice cream mo."
Nagulat ko syang tinignan. Its Kupal and don't tell me na kilala nya ang hampas lupa na to? "Seriously Tyrone? Hindi ako titigil hangga't hindi nya nababayaran ang ice cream ko!"
"Well how about my hoodie? Hindi rin ako titigil hangga't hindi mo nababayaran ang hoodie ko! Look! Ang panget nya na tulad mo" nagulat naman sya sa sinabi ko at nakita si Kupal na nag pipigil ng tawa.
"How dare you!" Sasampalin na sana nya ako pero may kamay na pumigil sakanya and pag lingon ko..
"Don't you dare hurt Milk Potato Mochi" napairap nalang ako sa hangin. What's wrong with this day?
"And who are you? Boyfriend ka ba nya?" Biglang tanong nung babaeng nangangalang "Kylie". Pareho kaming nagulat ni Tyrone sa tanong nya habang si Charlie naman ay ngumisi lang at inakbayan ako. Agad ko naman iyong inalis.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.