22

4K 71 1
                                    

Nakangisi akong umuwi ng bahay at tumalon sa sofa.


"Tang*na, masira yung sofa!" Sigaw ni Kuya Tom pero wala akong pakielam. Kinuha ko si Chim ay niyakap sya, namiss ko sya.


"Matulog na tayo may pasok pa bukas" sabi ni Kuya Jerry habang nakapikit. Mukhang inaantok na talaga sila. Pero, may naalala ako...


"Wait! May papakita muna ako sainyo" nakangisi ko paring sabi at nagtatakbo papunta sa bag ko. Kinuha ko ang test paper ko at pinakita iyon sakanila.


"Oh anong gagawin namin dyan?" Kunot-noong tanong ni Kuya Tom saakin


"Tignan nyo kasi."


"Nakita na namin." Nawala ang ngisi ko ng sabihin nila iyon. Napayuko ako at tinago na ulit ang paper.


"Cge, matulog na kayo. Goodnight" walang gana kong sabi sakanila habang kinukuha si Chim at pumasok na sa kwarto ko. Pinigilan kong hindi maiyak, ginawa ko naman ang best ko para ma-proud sila pero bakit hindi nila maapreciate?


Nakatulog ako dahil sa sobrang pagiyak. Yung iyak na luha lang ang tumutulo at walang hikbi? Nakatulog ako sa sobrang pagod... pero, masaya naman ako dahil alam na ni Ty na naaalala ko na sya.


~•~•~•~•


Isang buwan... isang buwan nalang gagraduate na kami. Kaya mas lalo kong pagbubutihin ang pagaaral ko dahil malay natin... hindi pala ako grumaduate. Alas-kwatro palang ng umaga ay gumising na ako para maghanda ng mga gamit. Nagreview na rin ako dahil hindi ako nakapag-review kahapon dahil nga birthday ni Ty.


Habang nag rereview sa study table ko na harap ng bintana ay may napansin akong tao sa labas nun. Kinutuban ako. Sinara ko ang kurtina nun at nag focus na ulit sa binabasa.


"Milk Potato Mochi!"


"Ay potaena mo!" Muntik na ako mahulog dito sa upuan ko ng bigla nya akong tinawag mula sa bintana. Binuksan ko naman iyon at sinapak sya. "Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?"


"Wala. Namiss lang kita" sabay nguso na ikinainis ko naman. Ayoko nga nang nagpapacute!


"Umuwi ka na. Maaabala mo lang ako sa pagreview" sabi ko at sinamaan sya ng tingin na ikinatawa lang nya. Nakakainis! Ang aga aga nandito sya para bwisitin ako. Gulatin ba naman ako.


"No. I can help you"


"Hindi na kailangan. Kung nandito ka para hingin ang kapalit ng pangangailangan ko sayo nung isang linggo, sa sabado nalang. Iti-treat nalang kita ng samgyup"


"Hindi na sana ako papayag pero.. pwede na rin, iisipin ko nalang na date natin yun" sabay kindat, ang sarap nyang sapakin mga dalawa.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon