1 week na ang nakalipas matapos kong ibunyag lahat ng nalaman ko. At ngayon? Masaya na ulit kami. Para lang iyong bangungot saamin na kailangan nang kalimutan. 1 week na ang nakalipas at ngayon ang birthday ng pinaka-special na tao saakin. Balak ko syang i-surprise at sobrang ganda ng regalo ko sakanya ngayon. Kagabi kasi, nagayos ako ng kwarto ko at may nakita nalang akong isang box na katamtaman lang ang laki at ng binuksan ko yun... boom! Hahahahaha basta mamaya na, ayokong mag-spoil.
Naghanda na ako para pumasok sa school. Yes, may pasok ngayon cause its monday at periodic exam. Oh diba? Ang ganda ng birthday ni Ty-Ty, exam HAHAHAHA! naglagay ako ng onting make-up, at liptint. Inayos ko rin ang buhok ko at kinuha na ang backpack. Kinarga ko saglit si Chim at kiniss ko sya sa noo bago umalis.
"Kuya, alam nyo yung BTS?" Tanong ko sakanila ng makasakay sa mustang. Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay na tumawa. Napataas naman ang kilay ko.
"Oo, usap-usapan yun sa buong mundo tapos di namin makikilala?" Natatawang sabi ni kuya Jerry habang nagda-drive.
"Kaya nga. Kamukha ko nga yung Taehyung ba yun" lalo naman napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kuya Tom at muntik na akong masuka sa sinabi nya. Ang layo kayaaa!! Panget sya, pogi si V. Ang laking pagkakaiba.
"At bakit mo naman natanong?"
"Napakinggan ko kasi yung kanta nila sa youtube, nagandahan ako. Kaya ayun.. ARMY heree yay!" Natawa nalang sila saakin at nakarating na rin kami sa school.
Bumabati na yung mga schoolmates ko saakin dahil, binunyag na rin nila kuya sa buong campus na kapatid nila ako. Oh diba? Sa tagal ko na nagaaral dito, ngayon palang nila nalaman kung kelang graduating na ako— speaking of graduating, isang buwan nalang ga-grauate na ako! Oh shems!! Waaahh!!
Napangiti ako ng mahagip ng mata ko ang lalaking naglalakad sa unahan ko na naka-hoodie na gray. Agad akong tumakbo papunta sakanya at yay! Piggy back!
"Sabi na eh. May siopao nanaman na naka-pasan saakin" sabi nya pa at napairap nalang ako. Pumasok kami sa classroom ng nakaganun. Tinignan lang kami ng mga classmates namin at wala na rin silang pakielam. May kanya-kanya na kaming buhay.
Nagbago na ang sitting arrangement ngayon dahil nawala na yung traydor kong kaibigan. Umalis na sya dito sa school namin dahil sino pa bang magii-stay dito kung alam mong nasa tabi mo lang ang may gustong tumapos ng buhay mo? Kaya ngayon, katabi ko si Kupal at nasa harapan naman namin si Kurt at si Kylie. Oh diba? Hahahahaha! Kaya lagi silang nagaaway at napapagalitan ni maam.
"Wala ka bang naalala?" Tanong ni Ty saakin. Napangiti ako ng tago, mamaya ko nalang sasabihin sakanya ang lahat. Para, SURPRISE! diba?
"Wala naman." Sabi ko at tinignan sya. "Ahh!! Yung exam? Oo, alalang-alala ko. Sana naman hindi mahirap yung ibigay saatin ni Sr. na test noh?"
"Ahh.. oo" sabi nya at umiwas ng tingin. Nakita ko nanaman yung sakit sa mga mata nya, ilang beses ko na ba to nagawa sakanya? Nakokonsensya na talaga ako. Pero, mamaya naman, makakabawi na rin ako. May sinet kaming plano nila kuya kaya no worries.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.