Nang makauwi sa bahay ay agad akong dumiretso sa sofa at humilata. Nakakapagod tong araw na to sa totoo lang. Sobrang sakit na talaga ng katawan ko...
"Hoy bansot, okay ka lang ba talaga?" Tanong saakin ni Kuya Tom. Inangat nya ang ulo ko at umupo sa sofa upang ang binti nya ang mauluhan ko.
"Sa tingin mo okay?" Pinakita ko sakanya yung mga benda ko sa braso, paa at ulo. "Pero, mas masakit talaga yung pwet ko." Naka-pout kong sabi sakanya.
"Anong gusto mo?" Tanong naman ni kuya Jerry at napangisi ako.
Hinahanda na namin ang lahat sa sala dahil sa naisip kong mag movie marathon kaming tatlo. Inaayos namin ni kuya Tom ang sofa namin. Yung sofa kase namin pwede mo syang gawing kama, oh diba? Perfect. Habang si Kuya Jerry naman ay bumili ng ice cream at iba pang makakain sa malapit na convinience store saamin. Nilagyan ko ng sapin at ng mga unan ang sofa namin. Hinanda naman ni kuya Tom ang papanoorin namin.
Nang dumating si Kuya Jerry ay nag si-pwesto na kami sa sofa. Nasa gitna nila akong dalawa habang nasa kanan ko naman si Kuya Jerry at nasa kaliwa ko si kuya Tom. Sa dinami-daming movies, ang napili pa ni kuya Tom ay yung Titanic.
"May challenge ako." Sabi ni Kuya Jerry dahilan para mapatingin kaming dalawa sakanya. "Kung sino ang umiyak dito sa movie na to, manlilibre bukas."
Sumang-ayon naman agad si Kuya Tom. Napatigil ako.. ilang beses ko na tong napanood pero naiiyak parin talaga ako nung namatay si Jack. Kaya malamang talo ako dito.
"Wag kang KJ, Bansot!" Sabi ni kuya Tom kaya naman sumang-ayon na rin ako. Focus na focus sila sa pinapanood namin habang ako kuha ng kuha ng pagkain. Halos ako na nga ang umubos nung isang garapon ng ice cream ei.
Eto yung scene na nasa dulo sila ng Titanic at yung first kiss nila. Nagulat ako ng bigla nilang takpan yung mga mata ko. "Rated SPG bawal sa bata"
Agad ko namang tinanggal ang kamay nila at sinamaan sila ng tingin. "17 na ko! Hmp."
"Wala ka pa sa 18. You're still a kid." Sabi naman ni kuya Tom kaya agad ko syang binatukan. Nag focus na kami sa pinapanood at hindi na nag salita pa.
Eto na.. eto na yung scene na lumubog na yung titanic at naka-patong si Rose sa kahoy ata yun tapos si Jack naman naka-kapit dun sa kahoy. Nangako si Rose kay Jack na makakaligtas sya. And dun ako nag start na umiyak. Pinipigilan kong humikbi para naman hindi ako asarin nung dalawang to. Yung time na naghahanap na yung pulis ng mga buhay na tao.. ginising ni Rose si Jack. Sinabi nya na merong bangka doon. Pero.. hindi nagigising si Jack—-
"HULI KA BALBON!" Napasigaw ako sa gulat ng bigla silang sumigaw dalawa. Kaya naman napabatok nalang ako sakanilang dalawa. Gulatin ba naman ako. "Hahaha! Libre! Libre! Libre!" Kanta pa nila.
Pinunasan ko nalang yung mukha ko at sumimangot. Kase naman ei, sa dinami-daming movie yan pa. Napaka-emotional ko kaya! Nang matapos ang Titanic napagdesisyunan nila na manood pa ng isang movie. Since inaantok na ako, humiga na ako sa sofa. Yung ulo ko ay nakapatong sa hita ni kuya Jerry samantalang ang paa ko naman ay nakapatong sa hita ni Kuya Tom. Yakap-yakap ko yung unan na regalo saakin ni Mom nung birthday ko na pagkamatay rin nya. Konportable ako kapag yakap-yakap ko to dahil feeling ko yakap-yakap rin nya ako.
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.