Goal: Live Successfully.
Ang bilis ng panahon. Hindi ako makapaniwala na mangyayari na ang pinaka-pinapangarap nating lahat. Ang maka-graduate. Ang sarap lang sa pakiramdam na para may sumisigaw saakin ng...
"You made it, Calliy!"
"Tapos na ang paghihirap mo sa pagaaral!"
"Malaya ka na!"
"You did your best!"
"Well done!"
Ang sarap sa tenga ng mga salitang iyon. Parang kelan lang, umiiyak ako kela kuya at nagwawala sa harapan nila dahil sinasabi kong ayoko ng magaral. Sabay-sabay kasi ang mga test, activities, projects, essay, at thesis noon. Sobrang nadepressed ako noon. Tapos, naalala ko pa, pinagalitan ako nung adviser namin noon nung highschool dahil hindi ako nakapag-report sakanya ng maayos, syempre napahiya ako at umiyak sa harapan ng buong klase. Sa sobrang hiya at takot ko kay Maam, nag cutting classes ako. Tapos, nung naka-kuha ako ng lowest score sa Science dati? Grabe ang iyak ko nun. Feeling ko kase napaka-bobo ko. Highschool palang yun ah? Paano nalang kung mga memories ko ngayong college? Nako. Onti nalang talaga magpakamatay na ako sa sobrang hirap maging estudyante.. pero, hinding-hindi ko gagawin yun. Look at me now, naka-suot ng black toga, nakaharap sa salamin habang nilalagyan ng make up. Akala nyo ba porket matalino ako, lagi na akong perpekto sa lahat ng bagay? Akala nyo ba porket matalino ako, hindi na ako nahihirapan sa mga bagay-bagay? Tao rin ako, pare-pareho lang tayo. Nahihirapan, nasasaktan, napapagod. Pero lahat ng mga negative expressions na yan, may kapalit yang maganda. Pinaghirapan mo noon? Kasiyahan at successful na ngayon.
Gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa sobrang drama ko na para bang nasa teleserye ako. Pagbigyan nyo na, ganito kasi ang pakiramdam pag ga-graduate na. Tapos na lahat ng pinaghirapan mo— wait.. erase that! Mas lalo palang mahirap pag adult.
"Napaka-ganda mo talaga, Calliy" nabalik lang ako sa realidad ng magsalita ang make-up artist ko na nginitian ko lang. Ngayon ko lang napagtanto na tapos na pala ang make-up at hair ko. Kaya naman nagpasalamat na ako sakanya at tumayo na.
Nakita ko sa labas ng kwarto ko sila kuya ba pormal na pormal ngayon. Kala mo talaga sila yung gagraduate ei. "Handa ka na ba?"
Umiling ako kela kuya at nakita ko naman ang worried face nila. "Mamimiss ko lang yung teenage life ko.."
"Sus.. mas masaya pag adultin na." Sabi naman ni kuya Jerry.
Sumakay na kami sa mustang at nagtungo sa CU. "Meron ba kaming medal na isasabit sayo? Baka mamaya bawang na kwintas lang ang isabit namin sayo"
Hinampas ko si Kuya Tom sa braso at sinamaan sya ng tingin. "Hindi na ako mageexpect ng regalo sainyo. Wala naman kayong pake ei."
"Buti naman at alam mo" sabay na sabi nila na ikina-sama naman ng loob ko. Ang ganda-ganda ng umaga ko tapos sisirain lang nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/213568420-288-k122685.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Two
Teen FictionAfter how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossible to happen when something came up about her mom's death and at the same time, Tyrone came back.