15

4.3K 63 1
                                    

Nagising ako ng makaramdam ng init. Pag mulat ko ng mga mata ko ay naka-stop over pala kami dito sa isang cafè. Nawala tuloy yung hangin.


Nilingon ko si Kurt na kunot-noo parin hanggang ngayon, "Anong ginagawa natin dito?"


"Umihi pa kase yung paepal. Nakakahiya naman, baka dito pa umihi." Ang sama talaga ng loob nya kay Kylie.


"Sorry ah? Sumama pa si Lie" nagulat naman ako ng biglang nagsalita yung kupal sa likod.


Gulat ko syang tinignan, "nandyan ka pala?"


"Ayy wala! Nasa puso mo ko" magrereact na sana si Kurt pero bumukas ang pinto ng backseat at ineexpect namin na si Kylie yun pero..


"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Gulat na tanong ko at maksi si Tyrone ay nagulat rin ng makita sya.


Seriously? Nilibot ko ang paningin ko at sure akong malayo-layo na rin ang byahe namin. Pero, pano nya kami nasundan? Este, paano nya kami nakita? Anong ginagawa nya dito?


"May ginagawa ako dito, tapos nakita ko kayo." Nilibot nya ang paningin sa buong kotse ni Kurt. "Mukhang gagala kayo ah? Outing?"


Umiling ako sakanya sabay sabing, "Roadtrip."


Magsasalita pa sana sya pero bigla kaming may narinig na tilian sa labas na pinangungunahan ni Kylie. "Oh my ghad! Is that Charlie Kruz?"


Bigla namang nataranta si Charlie ng marinig ang tilian ng mga babae sa labas. Hindi nya alam ang gagawin kaya bigla syang sumakay sa backseat at dali-daling sinabi kay Kurt na umalis. Sinunod naman sya ni Kurt pero may naalala ako..


"Teka! Si Kylie pa" pagpapaalala ko kay Kurt pero tuloy-tuloy lang sya.


"Iwan na natin yun." Napahinto naman sya ng sinamaan ko sya ng tingin. Napatingin ako kay Charlie at mukhang alam na naman nya ang gagawin nya.


Bumaba sya at hinila papasok si Kylie sa kotse. At yun... lima na kaming mag ro-roadtrip ngayon.


"Yung totoo? Iiwan nyo ba ako o ano?" Nagsimula nanaman ang bunganga ni bruha. "Pero, kyaaahh!! Hindi ako makapaniwala na katabi ko ngayon si Charlie!!!" Tili pa nito na para bang kinikilig pa.


Napatingin naman ako sa sidemirror at nakita doon si Tyrone na kanina pa pala ako tinitignan mula doon. Napaiwas naman ako ng tingin at napalunok.


"Hoy Milk Potato Mochi, yan ba yung bag na binili natin nung sabado?" Tanong ni Charlie saakin sabay nguso ng bag.


"Kiss? Gusto mo ng kiss?" Nakangisi namang tanong ni Bruha sakanya na ikina-sama ng mukha ko. Lahat nalang ba ng lalaki lalandiin nya? Una si Tyrone ngayon naman si Charlie. Sunod, si Kurt? Nako. Imposible. Magkaka-world war 3

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon