8

4.8K 60 0
                                    

I was walking at the hallway nang may biglang humila saakin papunta sa likod ng Gym. Naguguluhan ko syang tinignan mula sa likod nya at nung humarap sya ay tila nagulat ako. It was Tyrone.


"Hoy Kupal! Makahila wagas?" Sigaw ko sakanya. First of all, masakit pa ang katawan ko tapos eto? Ang dali dali lang sakanyang kaladkarin ako papunta dito?


"Ahh ano kasi.." nagkakamot ng batok nyang sabi at namunula pa ang cheeks. Eh?


"Ano nga? Kung mag papalibre ka wala akong pera, kung mag papaturo ka sa Math, puntahan mo ako sa bahay namin dun kita tuturuan basta may sweldo. 50 pesos per day tapos yung kalahating 50, pang-meryenda—"


"Its not about that." Pagpuputol nya sa sinasabi ko at huminga ng malalim. "About kanina, thank you. Sabi ni Kurt, ikaw daw yung sumagip saakin kanina. Nung nahulog ako sayo— este nahulog sa pool" sabi nya at iwas ng tingin. Lalo naman itong namula.


"Okay lang ano ba!" Sabay hampas sa braso nya na ikinagulat naman nya. "Nga pala, tanga ka ba?"


"Ha?" Hakdog! Ang slow? May pa-ha?


"I mean.. tanga ka ba? Kasi alam mo na ngang malalim yung pool tapos hinulog mo pa sarili mo."


"Hindi ko hinulog sarili ko.. uhhmm.. nahihilo kasi ako kanina and nag haharutan sila Mattheo kaya na-out of balance ako." Pag eexplain nya naman saakin at hindi parin makatingin ng diretso. Weird talaga si kupal.


"Ahh.. sorry kung nasabihan kita ng 'Tanga' my fault." Ako naman tong hindi makatingin sakanya.


"No, its okay. You saved my life." Sabi nya naman saakin at ngumiti na dahilan ng pagiwas ko ng tingin. He's kyutz!!! Nakakagigil.


"Uhhmm.. baka hinihintay na ako nila kuya.."


"Sabay na ko." Sabi nya at biglang nagtanong ng naglalakad na kami sa hallway papuntang parking lot. "Totoo bang kapatid mo si Jeremy at Tommy?"


"Uhhmm.. oo. Bakit hindi ba kapani-paniwala?" Kunot-noo kong tanong sakanya. Ang dami kasing hindi makapaniwala na magkakapatid nga kami. Siguro nga dahil gwapo sila at panget ako.


"Hindi naman sa ganun. Nagtataka lang ako dahil pinupuri sila ng karamihan while you, enjoying your normal life." I get his point.


"Yeah.. napansin ko rin yun sa sarili ko. Mas okay nang maging normal na estudyante, kesa naman pinagkakaguluhan ka ng mga tao. Artista ang peg?" Tanong ko na ikinatawa at tango naman nya.


Nakita ko na sila kuya Jerry na naguusap sa gilid ng mustang kaya nagpaalam na rin ako kay Tyrone. "Nandyan na sila, kupal. Nga pala, kung gusto mo magpaturo.. anytime free ako sa bahay. Basta 50 pesos per day, tapos yung kalahati nun pang meryenda. Okay ba?"


Natawa naman sya at tumango saakin. Nag wave ako sakanya at ganun rin sya saakin bago ako tuluyang lumapit kela kuya.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon