Don't forget to vote, and follow me for more updates.
•••
"Pre, ayan na si virgin kuno o!" Eto ang narinig ko habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway. Namataan ko sa hindi kalayuan ang pinanggalingan ng pang-iinsulto.
Hindi ko sila gaanong makita ngunit nang makalapit ako sa kanila ay agad kong iniwas ang tingin ko. Mga grupo pala sila ng lalaki. Bale lima sila.
Sila 'yung mga tipikal na lalaki sa eskuwelahan na pinanggalingan ko. Hindi sila sobrang macho na tipong pumupunta sa gym dahil mukhang nahubog ang katawan nila dahil sa paglalaro ng basketball.
Sa kanilang lima, sa mabilisang pagsulyap ko sa kanila ay mas isa agad nakapukaw sa atensyon ko. 'Yung isang lalaki na singkit ang mata ngunit may pagkabilog ito. Maganda ang ngipin nito at nung ngumiti ay sobrang cute tingnan. Medyo mahaba ang buhok niya na sa tingin ko ay lagpas mata niya.
Pero hindi ko rin mawaglit na nakikitawa siya sa pasimuno ng pang-iinsulto sa akin.
Nakayuko ko silang nilagpasan nang biglang bumigat ang pakiramdam ng balikat ko. Nang tingnan ko ang dahilan noon ay laking gulat ko nang matagpuan ang mga lalaking nabanggit ko na naka-akbay sa akin.
Kinabahan agad ako. "W-wala po kayong makukuha sa akin." Bakas sa panginginig ng boses ko ang kaba at takot.
"We don't need your money." Nanlaki mata ko nang makarinig ako ng Englishero sa tropa nila. Nang tingnan ko ay 'yung lalaking tipo ko pala ang nagsabi noon. Ngunit napayuko na lang kasi narealize ko kung gaano ako kahibang sa instant paghanga ko sa lalaki. Ang tangkad niya sobra.
"B-bakit niyo ba ako ginaganito?" Tanong ko.
"Wala lang. This is how we welcome transferees." Ani noong mukhang Chinese. Guwapo rin ito. Hindi kasing-tangkad at kasing-payat nung isa. Maiksi lang ng kaunti ang buhok nito kaysa sa lalaking Englishero.
"Ano ba next sub mo, aports?" Nakisingit naman 'yung isang lalaki na kalbo. Mas mukha siyang Pilipino kaysa sa mga kasama niya. At base sa pananalita niya, mukhang mahilig siyang magbaliktad ng mga salita.
"C-chem." Medyo nakalihis ang tingin ko nang sumagot.
Nginitian niya ako at tumugon ng simpleng "Ah."
"Sometimes, hang out with us. Tatanggalin namin pagiging virgin mo." Halos lumuwa ang mata ko sa narinig ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nagsalita. Iyong isa na lang pala na hindi ko masyadong namumukhaan. Siya ang may pinakamalaking katawan sa kanilang lima.
"A-ano?!" Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko. Nagulat ako pero nakaramdam ako ng kakaibang init na dumaloy sa katawan ko. Iniisip ko pa lang na magkakasabay ko silang tinatrabaho parang hindi ko na kakayanin ang sarap.
"We mean, we can get you laid before this school year ends. I'm Ian." Pagpapakilala ng Englisherong singkit na 'to. Ang guwapo rin pala ng pangalan niya. Inabot niya ang kamay niya sa akin. Kamalas-malasan lang na nanginginig at pasmado ang palad ko. Kaya mabilisan ko lang itong pinalo at naiilang na natawa.
"Jared."
"Ako si Leo." Siya 'yung malakas mangtrip sa kanila, sa tingin ko? Magkakaabutan na sila ni Ian ng tangkad. Guwapo rin ito ngunit sa tingin ko ay kengkoy. My impression for him is not too good than the rest of their squad.
The same way I did with Ian, I also shook hands with Leo.
"I am Xiu. Basta magaling Xiu-mubo, I'm down for it." Pakilala nung mukhang Chinese. Kinindatan pa ako nito. Kinabahan ako sa ginawa niya, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
how to have sex with an alpha male? (How-To Series #1)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out! Jared Gasson just got in a college of the town he transferred with his parent. Everything is new and unfamiliar but one thing- he's...