8. speak about it simply

403 15 0
                                    

I didn't expect that the next day will be the total opposite of my last day. Ang naipon kong ligaya ay muling bumagsak nang dumating na sa tahanan namin si Tyra.

She's from America and it's their break. May ilang week siya bago magsimula muli ang kanilang pasukan.

Noong umaga, tuwang-tuwa pa ako na susunduin ako ni Ian sa bahay. Sobrang aga nga niya actually. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Nakasuot siya ng blue na sweater at tinuck-in ang harapang parte tapos ay hinayaang nakalaylay ang natitirang bahagi.

"Hintayin mo ako riyan ha? Magbibihis lang ako." I offered him a seat near the counter.

Pinisil niya pa ang utong ko bago ako tumaas pabalik ng kuwarto. Nag-wink pa ang mokong.

Wala si mama sa baba sa pagkakataong iyon. Nasa loob siya ng kuwarto niya dahil handa na rin naman ang almusal na nakahain na sa mismong counter.

Pagkababa ko, nagkukuwentuhan si mama at si Ian. Natatawa ako sa dinatnan ko dahil mukhang madaming tinatanong si mama. Napansin ko ang mabilis na pagtipa-tipa ng binti niya. Kinakabahan yata siya! Hindi ko alam ang pakiramdam ng maganiyan kaya ayokong sabihan siya na kumalma siya. Bahala siya sa buhay niya! Malaki na siya pati ang burat niya.

Tinabihan ko siya sa upuan at ipinatong ang kamay ko sa hita niya. Mabagal siyang tumingin sa akin at ngiwi ang pagngiti.

Sa loob-loob ko tinatawanan ko na talaga siya. Pero hindi ko na lang pinapakita sa kaniya dahil mukhang seryoso si mama.

"Kain na tayo." Niyaya ko siya at nagkusa nang sandukan siya. Palinga-linga pa siya sa paligid.

Ilang beses na siyang nakapunta rito pero ngayon pa lang yata siya naging ganito kailang. Malamang dahil sa mas malalim na ang relasyon namin ngayon. Hindi tulad dati na kaya niya pang makipag-biruan kay mama dahil wala naman siyang inaalagang pangalan.

Hindi lumaon ay napansin ko ang oras. "Tara, alis na tayo. Ma, alis na kami ha." I gave mom a peck on her cheek.

Binulungan pa ako ni tanga habang naglalakad kami patungo sa front door. "Kiss ko?" Tanong niya tapos tinapik-tapik gamit ang hintuturo niya sa pisngi.

"Bakit kaya kita nagustuhan? Tsk." Panloloko ko sa kaniya. Yumuko siya tapos tumingin ng masama sa'kin. Parang bata ang mokong!

And when Ian opened the door, there she stands on the other side. Nakangiti siya at akmang kakatok.

"OMG!! Jareeeedddd!!" She screamed when she saw me. Her arms are wide open and I hugged her very instantly.

"Tyraaa." Malamig ang pagsalubong ko sa kaniya. Sinubukan ko naming sabayan ang energy niya pero napangiwi ako ng ngiti sabay tingin kay Ian na nagtataka sa pinapagmasdan niya. Napangisi tuloy siya sa akin at umiwas na ng tingin.

Napansin ni mama ang hiyawan at sigawan namin sa pintuan kaya narinig ko ang boses niya na unti-unting lumalakas dahil papalapit na siya.

"Si Tyra ba 'yan, 'nak?" Hinawi kami ni mama tapos ay niyakap si Tyra. Mas pansin mo ang mainit na pagtanggap ni mama kay Tyra kaysa sa akin. Nang tingnan ko naman si Ian, sobrang na awkward ng tingin at mga galaw niya.

Ganoon talaga ang JOWA kapag naiipit sa mga family matters. Joke! Sana nga JOWA ko na e.

We talked a bit. My mood has gone bad ever since. Naki-usap si mama na isama ko siya sa campus. Ilibot-libot doon. I don't want to be with her kahit ngayon lang. I will be stuck with her for the next three weeks.

Nung nasa kotse na kami, ang tahimik naming lahat. Walang nagsasalita. Halos mga pailan-ilang tanong lang kay Tyra about her errands in America. Magiliw siyang sumagot sa lahat ng tanong ko.



"How old are you again, Tyra?"

"I'm 18."

"You don't look like a teenager anymore." Iyon ang nasabi ko dahil halata na mas nagmature siya dahil sa make-up niya. I love how Western make-up tries to make someone look older than their real age which is the complete opposite of Eastern make-up's purpose.




"May boyfriend ka na?" Tanong ko. Napatighim si Ian. Nako! Itong lalaki na ito napapaghalataan kong type si Tyra e. E kasi rin naman si Tyra, ang tangkad at ang payat. Sobrang pang-model ng physique niya.

"I'm still moving on."

That caught my attention. Mula sa passenger's seat, hinawakan ko siya sa kamay kahit pa kailangan kong tumalikod. I showed my sincerity. I showed her that I sympathize with her.

"Let's talk sa bahay." Her brows seemed to be in extreme sadness as she nodded in response to my words.



Nang dumating na kami sa university, the guard told me to ask for the head's permission. Kaya iniwan muna namin si Tyra sa labas para hingin ang permiso ng administration.

Pumayag naman sila pero nang pagbalik namin, nagulat kami pareho ni Ian. Pinagkakaguluhan kasi si Tyra na halatang hindi sanay sa atensyon. Ang masama pa, puro lalaki na mukhang hinaharass na siya.

Agad sumugod si Ian at pina-ulanan ng suntok ang mga mukha ng mga lalaki.

"Are you okay, Tyra?" I asked her agad at tinabi siya habang hinihintay tapusin ni Ian ang laban.

"I'm okay. But he seemed overpowered by those goons." Alalang-alala siya. Noong una, medyo kampante pa ako dahil alam kong batak si Ian sa mga suntukan pero nang unti-unti na siyang napagbuntungan ng pansin, nakikitaan ko na ang pagkatalo niya.

Agad akong tumingin sa paligid. The guard was not present at the moment.

We were helpless that time. I cannot fight. Tyra cannot fight.

Pero sa hindi ko inaakalang pagkakataon, dumating ang isang lalaki at pinagsusuntok ang mga lalaking gumagapi kay Ian. Nakipagbuno silang dalawa and they become obviously stronger nang naging dalawa sila.

Nakahinga na lang din kami ng maluwag nang nakita naming tumba na ang lalaki.

Agad kong nilapitan si Ian. Pero ang hindi ko inaasahan ay makilala kung sino ang lalaking tumulong kay Ian. "Wendell?"

Ngumiti siya ng huling beses bago siya biglaang tumumba dahil sa pagkawala ng malay. Dapat lalapit sa'min si Tyra pero dahil malapit sa kaniya si Wendell, siya 'yung sumambot dito.

"Ian? Okay ka lang ba?" Bugbog na bugbog ang mukha niya. Andaming dugo sa mukha niya at sa katawan. Maging ang blue niyang sweater ay may bakas ng mga sapatos dahil sinipa siya ng mga taong 'yon.

Halos hindi siya makapagsalita. Nanginginig ang mata niya sa pagkurap at pansin ang hirap sa pagsasalita. Namaga ang mga labi niya.

Walang kaabog-abog ko itong hinalikan. Tama ba ang ginawa ko o mali? Narinig ko kasi siyang napangiwi sa sakit.

Napansin kong nagulat si Tyra sa natunghayan. Nakaupo na siya sa sahig habang nasa kanlungan niya si Wendell.

"W-why---" paisa-isa niyang salita... "k-kiss---" tapos tinuro ang labi niya... "mee?"

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa mga ikinikilos niya. Dahil sa isang iglap ay nawalan na lang siya ng malay at muntik nang matumba. Agad ko siyang sinambot ng mga braso ko.

"Should we bring them to the hospital?" Sumingit si Tyra na sinusubukan i-akbay ang malaking braso ni Wendell sa balingkinitan niyang balikat.

Hindi ako makasagot. Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin.

As if the heavens heard our cries, dumating ang guard na nagbabantay kanina. Tumatakbo siyang lumapit sa amin. "Anong nangyari rito?"

"NAG-INUMAN KAMI TAPOS LASING NA SILANG LAHAT! MASAYA KA NA?" Nagulat ako sa tinuran ni Tyra. Tunog international ang pananagalog niya.

"Tulungan niyo na lang po kami buhatin sila." Sabi ko.

I called 911 after that. Hindi nagtagal ay dumating ang mga ambulansya at dinala ang mga walang malay na mga lalaking ito sa hospital.

•••

"Punung-puno 'yung emergency room." Kuwento ko kay Ian. May mga aparato siya sa katawan na hindi ko alam kung para saan. Basta masaya ako na maayos na ang kalagayan niya bagama't wala siyang kakayahang makapagsalita pansamantala.

Sinusubuan ko siya ng lugaw na tinatanggap naman ng bibig niya. Maggagabi na. Tinawagan na ng ospital ang mga kamag-anak ng mga sangkot. Naka-admit din sila sa ospital na ito. Kasabay sila nang dalhin naming sila Ian at Wendell dito.

Nilapag ko 'yung mangkok sa lamesa sa tabi ng kama.

"Nasaan na pala mga magulang mo?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot.

Ay! Hindi pa pala siya nakakapagsalita.

"HAHA. Pasensya na! Nakalimutan ko." I chuckled covering my mouth.

Napansin ko kung gaano niya sinubukan ang ngumiti. Nangingig pa tuloy 'yung bibig niya.

"HAHA. Huwag mo nang pilitin." I leaned my head over his body and gave him a warm hug.

Naputol ang moment namin ni Ian nang biglang bumukas ang kurtinang green na nakapalibot sa kama ni Ian na nagsisilbing division ng bawat pasyente.

"I'm sorry if I interrupt, you guys. But I think a relative comes for your boyfriend." Sabi sa akin ni Tyra.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman kami mag-jowa.

Pero imbes na kontrahin ko pa siya, I think it is more important na malaman at maka-usap ni Ian ang kamag-anak niya ngayon.

"Really? You heard it, Ian? May kamag-anak kang dumating." Masayang-masaya kong balita sa kaniya. Hindi siya umimik o anuman. Nauunawaan ko rin naman ang sitwasyon niya.

Hinawi ni Tyra ang kurtina hanggang sa ibunyag nito ang isang babae na may dalawang bodyguard sa magkabilang gilid. May hawak siyang itim na branded bag. Nakasalaming itim. Naka-dress na slim fit na umaabot hanggang tuhod. Wavy ang buhok niya na umaabot hanggang sa balikat niya. Naka-ipit ang iilang buhok sa likod ng kanang tainga nito na mas nagpakita ng dangling earring niya.

Ang yaman-yaman ng dating ng babaeng ito. She's in her late 40's, I guess? And I won't deny that she's very intimidating.

"Good evening po." Nahihiya kong sabi na tumabi pa para makita niya ng buo si Ian.

Tumigil lang siya sa harap ko, binaba ang salamin, at binalik ito sa pagkakalagay sa ilong niya. "I'm Felicia. Her tita."

Ay Taglish din pala siya magsalita tulad ni Ian. Dugong-dugo na ako sa pakikipag-usap sa nga taong 'to. Una si Ian na minsan lang managalog. Si Tyra na kinalakihan na ang wikang Ingles. Tapos dadagdag pa si Tita Felicia?

"Nice to meet you po. I'm Ian's----" Natigilan ako sa nilabas ng bibig ko. Nag-aalangan ako at sa pagkakataon tulad nito, narirealize ko na walang ispesyal sa kung ano ang namamagitan sa amin ni Ian. Walang label.

Dapat bang i-treat kong privilege ang pagkakaroon ko ng sexual relationship sa kaniya? Bakit? Sa paanong paraan?

"I'm Ian's friend. Hehe."

She doesn't seem very pleased with my way of speaking.

"Thank you for bringing him here in the hospital. For now, you can go. I will take care of Ian."

Naging cue ko na 'yon para umalis na. Hindi ako pormal na nakapagpaalam kay Ian. Kumaway lang ako sa kaniya, kinuha ang bag, tapos ay umalis.

Habang naglalakad kami ni Tyra papunta sa sakayan, tinanong niya ako. "Are you two in a relationship?"

Ikinabigla ko ang tinanong niya. Siyempre tulad ng nararamdaman ko at nalalaman ko, sinagot ko iyon ng matapat. "No, we're not."

"You look very close. I can see love in your eyes." Mahinhin pa niyang isiningit sa likod ng tainga ang buhok niyang nilipad sa lakas ng ihip ng hangin.

"Yes. You can see love in my eyes. But can you see love in his eyes? I will not call it a relationship if only one is in love and the other one is not. Love from both parties must be the foundation of every relationship, thus, making them one." She laughed nervously to my answer.

"Bakit? Doesn't he mahal you?" Nawindang ako sa sentence construction niya pero kahit pa natawa ako ay bumalik ako agad sa pagiging seryoso.

"I don't know. Siya tanungin mo. Puro libog lang yata alam noon e."

E naalala ko nga palang hindi pala ito gaano nakaka-intindi ng Filipino. Nakita ko talaga 'yung pagngiwi ng mukha niya sa hindi pagkagets e.

"Basta. That's a word you shouldn't know the meaning." I chuckled.



Nakabalik kami ng bahay ni Tyra. This day is generally tiring. Andaming nangyari at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. My mom greeted us agad pagpasok. Sinabi na rin naman namin kay mama over the phone 'yung nangyari kay Ian kanina. Tumawag kasi siya para tanungin kung bakit kami ginabi.

Nakapagpalit na ako ng damit. I changed into a short and a shirt. Lumipas ang oras at napagdesisyunan ko nang tumayo mula sa kama para maghilamos ng mukha.

Bumaba ako sa ground floor. Doon ako naghilamos.

After I splashed some water on my face, I grabbed the towel rapidly beside the little mirror na on the same level of my face.

Nakayuko ako para punasan ang mukha ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot sa puso ko. Naalala ko si Ian. Nag-alala ako kaagad. Tumayo ako nang maayos at nakita ko kaagad ang repleksyon ko sa salamin.

Ang mga mata ko, ang lungkot nila.

Hindi ko sigurado ang dahilan ng panginginig ng talukap ng mga mata ko.

Sana okay lang si Ian.

Hindi pa rin siya pinagtutuunan ng pansin ng mga magulang niya. Mas nauna pang bumisita ang tita niya kaysa mismong magulang niya. Napapa-isip tuloy ako kung ganoon na lang ba talaga kabusy ang mga magulang niya na hindi nila mabigyan ng atensyon ang anak nila sa mga pagkakataon tulad nito.

Nalulungkot ako para kay Ian.

Maybe that's why I was fated to love him kasi iyon ang bagay na hindi sa kaniya mabigay ng magulang niya.

Pero hindi, I know most parents naman ay mahal ang mga anak nila. Lalo na 'yung mga nagtatrabaho abroad. What lacks? Attention.

•••

Sa daan ko pabalik ng kuwarto, napadaan ako sa bakanteng kuwarto na inayos ni mama para maging kuwarto ni Tyra. Nasa baba ang kuwarto ni mama. Ang kuwarto ko naman ay katapat ng kuwarto ni Tyra.

Kumatok ako. Walang sumasagot kaya binuksan ko na lang.

Naabutan ko siya na nagmumuni-muni sa terrace ng kuwarto niya. Parang hindi maganda ang aura niya mula sa kinatatayuan ko. Ang gloomy kumbaga.

Marahan akong naglakad patungo sa kaniya para hindi niya mapansin ang mga yabag ng paa ko. Susubukan ko siyang hulihin.

Nakatayo siya na nakadikit sa railings ng terrace. Wala akong pasabi na tumabi sa kaniya at agad pinagmasdan ang mukha niya. Siguro ay napansin niya ako agad at tumalikod sa akin na medyo tumatawa-tawa pa ng mahina. Pero alam kong umiiyak siya dahil sa pagsinghot-singhot niya.

"Tyra. I'm sorr-" pinigilan niya akong magsalita at itinakip ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.

"You don't have to. Even back to my country, women may be sexually harassed. You don't have to be sorry. Men have problems with their drives. I do not want to raise a generalization that men here in the Philippines are like that. Because it can happen in any part of the world. We have to stand up for causes like these, so it won't happen anymore."

That's too long for me to decipher.

Without any response, niyakap ko na lang siya patagilid at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. We stayed like that for a good 10 minutes without talking. Tanging ingay lamang ng kuliglig at ng mga sasakyang dumadaan ang maririnig kasabay ng malamig na simoy ng hangin.

•••

Lumingon ako sa kaniya sa likod. He's walking slower than usual. Ngumiti siya sa direksyon ko at binigyan ko rin siya pabalik ng pagkatamis-tamis na ngiti.

Dinala kami ng mga paa namin sa labas ng ospital. Nakakatuwa lang na tila naging park ito.

how to have sex with an alpha male? (How-To Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon