4. be intoxicated

680 15 0
                                    

Early this morning, I woke up with a very refreshing feeling. Ang sarap lang nung pagkakahydrate ng sheet mask na binigay ni mama.

I forgot to mention that my mom is a youtube video creator. She's a beauty guru and is making a living through vlogging.

Nasa plane na kami at hindi ko alam kung saan kaming bansa papunta. Mas nagdadry ang feeling ng mukha ko ngayong napakalakas ng aircon sa eroplano.

Ilang oras na rin kaming nandito, at mukhang malapit na yata kami.

Hawak ko ang cellphone ko nang bigla magring ang Skype app ko. "Leo?"

Bakit naman kaya ako tatawagan ng kumag na 'to?

Tinanggap ko ang tawag niya pero in-off ko ang camera ko. I can still hear his voice tho.

"Jared?" Tawag niya.

"O bakit?" Iritado kong tanong.

Alam mo 'yung feeling na tinawagan ka ng isang taong kinakainisan mo. Ganito 'yung feeling. Parang halos ayaw mo na lang magsalita.

"Magkasama ba kayo ni Ian ngayon?" Kumalma ako sa tono ng pananalita niya. Parang nag-aalala ito.

"Anong pakialam ko sa lalaking 'yon? Tiyaka bakit ba sa'kin mo hinahanap 'yon? Hindi ba siya pumasok?" Nakatingin sa mga ulap na sunud-sunod kong tanong.

Bumuntong-hininga siya.

I don't like the vibe this guy's giving me. "Absent kayo parehas sa klase. Hindi man lang kayo nagpadala ng excuse letter. So everyone is thinking na baka magkasama kayo. Are you in a hotel? Huh? Yieee." Pang-aalaska nito.

Binagsakan ko siya ng tawag. Nakakainis talaga. Sa pagkakataong naalala ko ang nangyari sa amin ni Ian, hindi ko mapigilang maluha.

"Naiyak ka ba 'nak?" Tulad ngayon. Ayoko nang isipin ang lalaking 'yon.

•••

Hindi tuloy ako mapalagay ngayon. Ano na kayang nangyayari kay Ian? Kakasabi ko lang na ayoko siyang isipin tapos ngayon hindi na naman ako mapalagay sa kuwarto ko sa Espanya.

Andaming banyaga rito. Malamang. Andaming guwapo.

Pero bakit si Ian pa rin iniisip ko?

Self, mas marami ka pang makikita na mas guwapo kay Ian.

Ito na lang ang iniisip ko para i-redeem ang sarili ko sa unreasonable kong pag-aalala. "Huy, tigilan mo na 'yan." Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. But, nonetheless, my mind keeps on returning to him.

Naramdaman ko na lang bigla ang mga palad ni mama sa magkabilaang balikat ko. Tumingala ako para tingnan siya. "Ready ka na ba?" Tanong ni mama.

My eyes blinked in a weak motion, I heaved, and stood up to smile.

I. SHOULD. STOP. THINKING. 'BOUT. HIM.

•••

I can already hear some random wedding song being played on the piano while I'm still inside the cab. Nang makabayad na si mama, she told me we can now get out.

Hindi pa rin maipinta ang ekspresyon ko sa mukha. Hindi ko lang talaga maalis sa sistema ko ang pag-aalala.

I hope he's okay.

I took a deep breath before entering the venue.

It was somewhere inside a sanctuary. There are tall trees which serve as the walls of the place. There's also an arc made up of flowers and leaves where we'll be entering.


Pagpasok ko ng lugar, hindi ko mapigilan ang pagkamahanga sa nakikita ko. The venue was creatively designed. It was so peaceful. There are butterflies everywhere. Some guests are also already on their seats na.

"Sino ba talagang ikakasal ma?" One last time, kinulit ko ulit si mama na nagkibit-balikat lamang.

Wala pa rin akong ideya sa kung sino ang ikakasal hanggang sa pinalabas na lang kami sa venue at inayos ang pila para sa entourage.

Patipa-tipa na ang paa ko sa kaba. Hindi ako sanay sa maraming tao. Andaming tao rito. May iilang Pinoy pero mas lamang ang mga banyaga. Iba't iba ang lengguwahe ng mga nasa tabi ko kaya kung makakarinig ako ng Filipino, siguro lulundag at gugulong po ako sa tuwa.

Dumating 'yung wedding coordinator sa amin. Babae siya, may manipis na kilay na umuso noong bago pa magkakulay ang TV, manipis na labi, at green ang mga mata.

"Let's wait for your partner, yeah? He'll be here in five." Ano raw? Hindi ko gets!

Napansin siguro ni mama 'yung confusion ko sa mukha dahil nasa tabi ko lang siya.

"Five minutes daw, andito na 'yung partner mo sa pag-aabay." Nung sinabi niya iyon, napa-ah na lang ako bilang tugon

The wedding coordinator smiled at me at bumalik na sa trabaho niya. May pa-earphones pa sila tapos may kinakausap siya roon. Ang angas naman pala! Parang mga secret agent.

I'm practically waiting for this wedding to start and I think five minutes have already passed. My partner is still missing in action by the way.

Medyo naiirita na ako. Pinaghalo-halong pangangati ng balat ko sa tela ng suit ko at sa mainit na araw na nagpapalapot sa mukha ko. What is worser than this?

Nang hindi ko na matiis, I went to talk to the wedding coordinator, "I'm sorry but where is my partner!?" Pinanlakihan ko siya ng mata. And I didn't even see where my mom is. Pero bigla na lang may humablat sa akin at humila.

"Wait, ma! Naiinis na kasi ako." I turned to her quickly and then humarap ulit sa wedding coordinator. She has an expression that tells me calm down. Her brows are knitted into each other, and her face muscles are a bit tensed.

"Close. Close." She's having a hard time to speak in English. I could radiate her aura of trying.

I took a deep breath and then calmed myself down.

"Oh, you're here." Dinig kong sabi nito.

"Sir, uhm.. you're partner's here." I heard the wedding coordinator is trying to reach for me.


"Whe-" "I'm sorr-"

The fvck!

"Jared?" "Ian?!"



•••

"I don't know you're here!!" Depensa niya. He even raised both of his arms gesturing surrendering.

"Ma!!" Baling ko kay mama. At talagang maang-maangan siya. Hindi man lang siya nalingon. Ilang tao ang pagitan ko kay mama sa pila.

Aish! Nakakainis talaga. Tiningnan ko siya ng masama tapos ay tinalikuran siya. Naghalukipkip ako at paulit-ulit na bumuntong-hininga.



"Hey, Jared! I promise. I'm not lying."



"You mad? Gusto mong magpalambing ha!?"



"Galit si Jared pero mas galit na 'to." Sabay muwestra sa bagay na nasa baba niya.



"You're cute when you're mad. Looks like a child.."



"Hindi naman kasi ako nawala. You see? I'm here to attend a wedding?"



"Sorry if I made you worry. Let's eat dinner somewhere. Treat ko."



"Beach? Mountain climbing? Hiking? Jogging? Triathlon? Anong gusto mo? You can just tell me if you already picked one."



"Psst. Pansinin mo na ako." Sinasagad na talaga ako ng lalaking 'to. May papatong-patong pa siya ng baba sa balikat ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!! Dama ko 'yung hininga niya sa bandang leeg ko.

Kanina pa kaming nasa loob ng parang sanctuary na wedding venue na ito. Binubugaw ko nga pati 'yung cute na paru-paro na dumadapo sa mukha ko kasi naiirita na talaga ako.

"You may now kiss the groom." Ang ministro.

Siguro nabigla kayo sa nabasa niyo. Kahit ako rin. Lalo na si Ian. Dalawang lalaki ang ikinasal. 'Yung isa ay Pilipino at 'yung isa ay half Spanish yata. Parang pamilyar sa akin 'yung isang Pilipino. Sa figure niya, parang nakita ko na siya rati.

Naghalikan na 'yung mga ikinasal. Ang sweet nila.

"And regardless of your sexual orientation.." Tiningnan ko si Ian, tinigilan niya na akong kulitin. Seryoso ang mukha niyang pinapanood ang hindi pangkaraniwang view sa mga tradisyunal na kasal sa Pinas, "Kiss the person beside you."




Dug. Dug.





Nagulat ako sa narinig ko. Umayos agad ako ng upo at iniiwas ang tingin kay Ian. Feeling ko mahuhuli na niya ako anumang oras.




Naghiyawan ang mga tao sa ni-request ng half Spanish na groom na Spencer pala ang pangalan



Hindi ko alam ang gagawin ko.




The person sitting beside me is.... nagnakaw ako ng tingin sa kaniya... Ian.





IAN.





Hindi ko na lang inaasahan nang, sa isang iglap, hinalikan ni Ian 'yung babae sa tabi niya. Apat kaming nasa row. A-akala ko ako 'yung hahalikan niya.


I was left in awe with his action. My heart shattered into pieces. I thought he cares for me again tapos ngayon ganito na naman inaasta niya. Alpha male indeed.


Nakaramdam ako ng himas sa likod ko. Nang tingnan ko ay isang Kastilang lalaki ang naghihintay yatang halikan ako.


He's even pouting his lips.


Hahalikan ko ba siya?


Punyetang Ian talaga, kahit kailan.


Ang guwapo nitong lalaking nasa harapan ko. "C'mon, kiss me." Presko niyang paanyaya.

Napadalawang-isip ako sa inasta niya.

Napapakunot ang noo sa pagdedesisyon.

Should I kiss him?

But I'll deprive myself an opportunity to kiss a hot guy beyond the fact that the guy I like kisses a girl he doesn't even know.

Tiningnan ko ang mata ng lalaki. Ang ganda ng mga mata niya. At ang pula ng labi niya. Parang ang lambot-lambot.

I wanna know how they taste.

Nag-iba ang ihip ng hangin nang hawakan na ako ng lalaki sa ulo, dahan-dahan na niya akong nilalapit sa kaniya. He has this smirk on his lips that I am so into.

"I know you'd like it."

Pero bago pa magtama ang labi namin, tumayo na ako. "Wait, I need to go to the bathroom."



Pagdating ko sa C.R., sobrang init ng pisngi ko sa tensyon kanina. Kabang-kaba ako at hindi ko maunawaan ang mararamdaman ko. Kinakabahan ako sa actions nung lalaki at nasasaktan naman ako sa inasal ni Ian sa kabilang banda.

Naghilamos muna ako ng mukha para mahimasmasan. Some of my make-up has worn off after that. So I dispensed a wet wipe to remove my entire makeup exposing my bare skin.

how to have sex with an alpha male? (How-To Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon