3. take some time off

697 19 0
                                    

JARED'S POV

I was hurt na iniwan niya ako sa ere sa hotel na 'yon. I felt so broken and empty at the same time. Ang sakit sa puso kasi dama ko 'yung rejection. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang tumulo 'yung mga luha ko.

"Nak, are you feeling fine?" I felt my mom's hands rubbing my back to comfort me.

I looked up at her, eyes bloodshot.

"I wish I am." I whispered to myself nang yakapin niya ako.

"You will be fine. I promise." She whispered.

"I wish I will be." I told myself, shuddering. At mas niyakap niya ako ng mahigpit.

•••

It's too foolish of me to think that he will reciprocate the same feelings I have for him. Akala ko kasi na eventually it will change his perspective that loving is not about the sexual preference; that same poles can be attracted too even if it's against the law of attraction.

Another day for school today, kahit pa I want to stay at my bed until the end of this day. But I need to, since this will save me from sulking.

As usual I went to my first class. Tumatak sa'kin na ayokong makita si Ian. I don't want to see his eyes. I don't to see his smile. Baka mapatawad ko lang siya bigla ng wala sa oras.

Our professor stood in the front of the class, nakatitig lang siya sa amin ng ilang minuto hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Naramdaman ko agad 'yung tension.

"What's your name again?" His eyes are squinted trying to remember my name.

"Uhm, Jared Gasson po s-sir."

"Can you stand up?" He gestured.

Tumayo agad ako dama ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko alam what this guy is up to now.

He did something with his glasses, "For you.."

Okay, he wants my opinion.

"What is---"

About what?

"Love?"

Then, I hear a sound of barging into the room's door. The attention quickly drifted to that guy. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Laking gulat ko nang malaman kung sino iyon nang umayos ito ng tayo.


Si Ian.




"What is love?" Pag-uulit ng professor. Hindi nagpapatinag sap ag-iinterrupt ni Ian.

Tinanong niya na rin ako 'non. At hindi ako nakasagot noon. My heart is shuttered into pieces nang tingnan niya ako sa mata. His eyes are telling a different story. Bakit parang nangungusap ang mga mata niya?

"Again Mr. Gasson, what is love?" Professor Vint doesn't even give a damn about Ian barging into the room.

"L-love.." Nakatitig pa rin ako sa kaniya at siya sa akin, "Hindi ko pa po kasi kayang i-define 'yun e." I laughed nervously. Silence reigned over the class.

Hindi pa rin bumibitaw sa pagtitig sa akin si Ian, constantly biting his lips.

Oh, how I used to love those eyes.

"Then let me pass the question to this latecomer here. Mister, what is your name?"

Dahan-dahan siyang bumitaw sa titig at tumingin sa professor, "U-uhm, Ian po."

Tumaas ang kilay ng prof, "For you, what is love?"

It was a long silence before he decided to open his mouth to speak, "Love is being with someone and it makes you happy enough even if the spark is already gone.."

Napangiti ako sa sinabi niya habang nakatayo pa rin. At binalik ang tingin sa akin.... "With the opposite sex."

That made me lose all the hopes I built in a minute. Akala ko nagbago na siya, hindi pa rin pala. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya?

Hindi na ako nagtagal pa sa classroom na 'yon dahil pagkatapos na pagkatapos ng lesson, nagmadali na akong lumabas.

"Jared!"

He grabbed me by the wrist.

Pero kahit sinusubukan niya akong paikutin para harapin siya, nagpipigil ako. Kasi ayoko nang makita pa siya. Ayoko nang tumingin pa sa mga matang 'yon. Nakapingit pa nga ako ngayon habang pinipilit niya pa rin akong paharapin sa kaniya

"Jared, I thought you're lost."

My eyes wavered to his words. "Lost?"

"I searched for you everywhere in that province. And I'm happy to see you safe." Sabi niya, still gripping on my wrist.

"Why did you leave?" Diretsahan kong tanong sabay ikot upang harapin siya.

Hindi siya agad naka-imik. Napatulala siya sa tanong ko, walang kurap-kurap.

I want an answer. An explanation. To atleast relieve me from being not good enough and being rejected.

Hindi siya sumagot

I took a step backward, slowly turned around, and walked towards the main door. I know he's not gonna give me the explanation I want to hear even if I have to be kidnapped.

•••

I don't know if sacrificing is a good thing. I think it's a very crucial decision that one has to critically reconsider.

At 'yun 'yung hindi ko ginawa. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. I don't want to mature agad-agad pero sana sa mga desisyon ko tulad noong muntik nang may mangyari sa amin ni Ian, dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko.

Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon.

Sinalubong ako ni mama ng isang halik nang makita niya akong pumasok sa pinto. My mom has always been the sweetest mom in the entire world, but I don't need that now.

After she kissed me, her hands are both on top of my shoulders, I gave her a stern look. "Bakit anak? Is something bothering you?" Hindi ako sumagot bagkus ay tumingin pa rin sa kaniya ng taimtim. "Si Ian na naman ba?"

"Ikaw ba 'yon?"

At kumalas siya sa pagkakahawak at bumalik sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto niya. Hindi siya umimik at piniling hindi sumagot.

"Ma! I need an answer! Bakit akala niya nawawala ako?!!" Oo, sinigawan ko si mama. Hindi ko alam kung bakit pero parang sasabog 'yung dibdib ko.

She turned off the stove as sounds of utensils and plates clanging are all that I could hear from where I am standing. Nagbabadya ang mga luha ko sa pagpatak at hindi niya pa rin ako sinasagot.

"Ma, muntik nang may mangyari sa amin ni Ian. Doon, doon sa hotel kung saan kami dapat mag-iistay. Pero sa kalagitnaan, ma, iniwan niya ako. Umalis siya." Hindi ko na mapigilan ang bibig kong sabihin ang kanina pa nito gustong aminin.

Napatigil ang kamay niya sa paggalaw, at sa mismong puntong iyon, tumulo na ang luha ko. Damang-dama ko 'yung pagkahiya, napa-upo ako sa pagkahiya. Hiyang-hiya ako pero gusto kong malaman 'yon ng nanay ko. At sa pagkakataong tulad nito, niyakap ko na lang ang sarili ko dahil mukhang hindi na magagawa ng pagpapaawa ko na kunin ang simpatiya ni mama.

"Punyetang Ian talaga 'yan!" she exclaimed.

PEONY'S POV

That day when Jared came crushing into the door, not the usual him, he went to his room immediately at hindi na ako pinansin pa. I know something is wrong with my son. Those tears are rare.

Buwisit na buwisit ako sa pagkakataong 'yon dahil alam ko na kung sino ang may kagagawan noon--- si Ian.

I instantly checked out his Facebook account at nakita ang isang post. It was posted several minutes ago, and he was with a girl.

The caption says, "This is the right thing to do." So from there, siguro nga may nangyari sa dalawang ito. I know if something is breaking my only child's heart.

So I hit Ian up. His number is supposed to be an emergency contact I would reach if ever something bad happened. At hindi ko naman inaasahan na wala pang isang araw, pero umiiyak na agad 'yung anak ko pauwi ng bahay.

It breaks my heart into pieces. I cannot bear his pain. Parang dinoble.

I even heard that girl he slept with on the Facebook status in the background.

My son is safe here but I need to revenge for him. I want him to be miserable but he seemed to give up on my son easily. Wala nga yata siyang pakialam sa anak ko.

I even tracked his phone. I switched my laptop on and encoded everything needed to track his location. He's been looking for my son, but he gave up already. Tumigil kasi siya sa isang lugar at mula roon hindi na gumalaw pa.

Akala ko ang tatay ni Jared ang huling lalaking iiyakan niya, hindi pala. Dumagdag pa ang engot na Ian na 'to sa listahan.



"Are you feeling better?" Hinimas ako ni mama sa ulo, feeling better now with her family soup.

"Uhm." Tango ko at nginitian siya.

It warms my heart to hear my mother's side of how she revenges for me in an unnoticeable way.

•••

"Nak?" Tawag sa akin ni mama na nakasilip sa medyo bukas na pinto ng kuwarto ko.

Nilingon ko siya habang nag-dadiary ako. Naisip ko na i-compile ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko sa maliit na bullet notebook na ito.

"Look what I've got here." Tapos inilabas niya ang isang barong na nakatago sa likod niya kanina.

Tumayo ako na nakangiti. "Para saan 'yan, ma? Sinong ililibing?"

"Ikaw! Charot!" Pambabara niya na may panlalaki pa ng mata.

Nag-apir kami ni mama, "Seryoso ma. Para saan nga 'yan?"

"Mag-aabay ka sa kasal, 'nak. Excited na ang mama mo. Nakita mo na ba ang drawer mo?"

Napataas ang parehas kong kilay sa pagtataka tapos ay tinungo ang drawer ko na may nakapatong na flat screen sa ibabaw.

Pagbukas ko, bumungad sa akin ang napakadaming make-up. Tiningnan ko kaagad si mama na may pagtatanong sa ekspresyon, "Para saan 'to ma?"

"Ako magmemake-up sa'yo. Kaya matulog ka na, at.." lumapit siya sa akin at may dinukot na malaking sachet sa drawer, "Mag-sheet mask ka pagkatapos ay magbeauty rest. Bukas ang kasal, lilipad tayo sa ibang bansa"

"Iba rin! Tinalo pa natin ang team ni Jessica Soho na lumilipad kung saan-saan. Pero nagtataka ako ma? Matagal na akong binabagabag nito."

Natatawa si mamang nagtanong. "Ano?"

"May lahi ba tayong aswang?" Binatukan niya ako ng malakas saka ay mabilis na umeskapo. Nagtataka lang naman ako kasi lilipad daw kami papunta sa ibang bansa e. Baka may lahi kaming manananggal, ganon?

Pero kaya ba ng manananggal lumipad mulaPilipinas hanggang ibang bansa?


how to have sex with an alpha male? (How-To Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon